/18/ Gossip

107 8 3
                                    

Late na akong nagising kinaumagahan ng Linggo. Oras na ng tanghalian nang ako ay bumaba para kumain. Naabutan ko si Mommy sa dining room.


Sinalubong niya ako ng mainit na yakap at matagal din kaming nanatiling ganoon.


"Mom, you heard what happened," ika ko. "I'm sorry."


I broke away from her and she stroked my cheek.


"Huwag kang mag-sorry, di mo nagustuhan ang nangyari. Natutuwa ako pinagtanggol ka ng Ate at Daddy mo," ngiti niya. "Andito lang kami kung kailangan mo ng tulong."


"Thank you po." I smiled at my mom, my heart feeling lighter. We ate lunch together and after that, I told her I don't want to go to school tomorrow Monday.


"Ma, baka balikan niya ako at gantihan," pangangamba ko habang nandoon ako sa kwarto nila ni Daddy.


"Hindi mangyayari iyan, kwento mismo ng Daddy mo na di na babalik sa school niyo ang binatang iyon. At huwag ka munang pumasok kung di mo kaya."


Huminga ako nang malalim. Sana totohanin ng mga Torralba ang kanilang pangako.


"Asan pala sila Daddy at Ate?" Tanong ko.


"Daddy mo nag-golf lang. Si Ate mo, nag-lunch kasama ang kaibigan niya," sagot ni Mommy. "Babalik din sila mamaya."


"Dito lang muna ako," humiga ako sa king-sized bed ng aking mga magulang at yumakap sa isang maliit na unan.


"Maligo ka muna, naaamoy na kita," biro ni Mommy.


"Ma naman, di ako mabaho!" Tawa ko.


"Doon ka sa bath tub sa private bath namin, may mga towels na doon," alok ni Mommy.


Tumayo ako at dumiretso sa kanilang bathroom para maligo at magbabad sa bath tub. Habang tahimik akong nakalublob sa isang bubble bath na amoy rosas, pilit kong pinapakalma ang magulo kong isipan.


Sana di na ako balikan ng Valentin Torralba na iyon. Akala ko pa naman, presko lang siya, manyakis din pala. Natatakot pa rin ako na baka maulit iyon sa akin. Buti na lang di ko na kaibigan si Mitchell, kaya wala na akong balak pumunta sa mga parties at disco.


Paano ko ito ikukwento kay Demie? Paano kung kalat na sa school ang nangyari?


At paano kung malaman ito ni Ben?


Sandali, Andie, hinga ka muna. Sunod-sunod na naman ang mga iniisip mo. Bahala na pagbalik ko sa school. Bahala na kung magkita man ulit kami ni Ben.



I got out of the bathtub, rinsed in the shower stall, and dried myself. Tinanong ko kay Mommy kung pwede bang mahiram ang isa sa kanyang mga sundress. Buti inabutan niya ako ng isang light sleeveless yellow dress, at dinala ko ito sa aking kwarto para magbihis.


Pagbalik ko sa kwarto nila Mommy, naabutan ko doon si Ate Ranie. Magkatabi silang nakaupo ni Mommy sa gilid ng kama.


"Andito ka na pala," ika ko kay Ate nang tumabi ako dito.


Yumakap si Ate Ranie sa akin. "Mabilis lang iyong lakad ko. I want to make sure you're okay, little sis, kaya umuwi ako agad."


"I'm much better," I leaned my head on her shoulder. "Pero natatakot pa rin."


"Wala nang gugulo sa iyo ngayon," pangako ni Ate sa akin. "Mommy, nanuntok ako kagabi!"



"Mana ka sa akin eh," natawa si Mommy sabay yakap sa aming dalawa. "Dati nanabunot ako ng ex ng Daddy niyo!"



MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon