SPG chapter ito. Trigger warning: s*xual harassment near the end of this chapter. This is part of the story and it shows why it is wrong. If you can't continue reading, it's okay with me. You do you.
"Hi Val."
"Good evening, Andie! Pasok ka, welcome to our humble home."
Hindi maikakaila ang ngisi ni Valentin Torralba nang pinapasok niya ako sa tinatawag niyang "humble home."
Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Mas malaki ang kanilang mansion kaysa sa amin, na matatagpuan sa katabing exclusive village sa tapat ng Ford Park, kung saan naman nandoon ang aming tahanan.
Napupuno ng mga mamahaling muwebles at furniture ang bahay ng mga Torralba. Kulay beige ang walls na complemented ng white curtains. May grand staircase sa gitna na gawa sa marble at ang mga baytang ay covered ng green carpet na may golden lining sa bawat gilid.
Sa kaliwa ay ang living room na may light green wallpaper at white sofa set na may center table, habang sa kanan ay ang isang dining area na may wooden tables and chairs. Tumingala ako, at may crystal chandelier na nagbibigay ng soft lighting sa paligid.
"Manghang-mangha ka ah," ika ni Val.
"Amazed lang ako sa mga interiors," ika ko. "Siya nga pala, saan ang party?"
"Nasa likod. May clubhouse doon pati ang swimming pool. Sa dining tayo dumaan."
Bigla niyang hinawakan ang aking kamay at di na ako makapagsalita nang dinaan ako ni Val sa may dining room. May kitchen sa likuran nito at nang makalabas kami ng back door, bumungad sa akin ang isang malaking swimming pool. Sa di-kalayuan ay isang white cottage.
"Nagpaparty na pala. Whoa, di ko akalaing may swimming pool kayo!"
May mga grupo na lumalangoy na sa swimming pool. Nakilala ko ang iba sa kanila na galing din sa school ko, habang di pamilyar ang ibang mga mukha na nakaupo sa mga lounge chairs sa paligid ng pool.
Disco music played loudly from a speaker na nakalagay sa gilid, malayo sa swimming pool.
Naka-trunks ang mga lalaki habang naka-bathing suit or two piece ang mga babae. Everyone looked posh, paano ba naman, puro mga may kaya ang nandito.
"Pwede ka mag-swimming if you like," alok ni Val.
"No thanks, I just want to have a good drink," pagtanggi ko sabay bitaw kay Val. He stared at me as if I did something bad.
"Namamawis na kamay ko, ang higpit mong humawak," pagdadahilan ko.
"Okay." Val shrugged and added, "Doon na tayo sa clubhouse, may mini bar doon at pool table."
Naglakad kami sa gilid ng pool at sa pathway patungo sa clubhouse. Nang makapasok ako, it was larger than expected.
BINABASA MO ANG
Memento
RomanceWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...
