/3/ Self-Control

203 9 1
                                    

"Bakit ka nandito, Ventura?"



In front of me stood the arrogant Henrico Ventura and two of his cohorts. They all eyed me as if they were hyenas who found their prey. They looked even more hilariously menacing in their black leather jackets. Trying hard na magmukhang mga John Travolta in Grease wannabes.



"Bawal bang maki-celebrate?" Tanong ni Henrico. "Ito naman, parang wala tayong pinagsamahan ah!" Humarang pa siya sa harapan ko with his arm leaning against the wall.



"Wala talaga! Now, please get out of my way!"



I was about to shove him, but Henrico Ventura caught my arm and held it upwards.



"Let go of me!" I attempted to kick his leg, but he was way too strong for me. Hindi rin nakatulong na mas matangkad siya sa akin at nakapalibot na rin ang dalawang alipores na kasama niya.



"That's what you get for refusing to say yes to me. Come on, Princess. Kapag naging tayo, mas mapoprotektahan ng ama kong senador ang negosyo ng iyong ama. Everything will be easier, especially if this leads to marriage. Don't you like that?"



I struggled to break free as my eyes met his piercing gaze. "Binasted na nga kita, ayaw mo pa akong tigilan!"



"Gawin ko na ba ang ating binabalak? Hindi na ito makakatanggi pagkatapos!" Pagbabanta ni Henrico.



I want to punch his face and erase that demonic smirk off him.



"Let go of me, you jerk!" Sigaw ko. Pero binuhat ako ni Henrico sa kanyang balikat. Nagpupumiglas pa rin ako at di ko tinigilan na paluin ang kanyang likod.



"Behave, Princess. Magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin!" Natawa sila ng kanyang mga kasama.



"Ibaba mo ako! Tulong!" I kept on shouting with all the strength left in me.



Hindi pa kami nakakalayo sa may disco nang marinig ko ang isang tunog. Mukhang may tumigil na motorsiklo sa harapan namin. Narinig kong bumaba ang nakasakay dito, tumakbo papalapit sa amin, at walang salita na sinipa ang binti ni Henrico.



Agad niya akong nabitawan at buti na lang ay nasapo ako ng misteryosong rider. Maingat niya akong pinapwesto sa gilid at walang imik kong pinanood ang mga sumunod na pangyayari.



Para itong eksena sa isang action movie. Knock-out agad si Henrico Ventura sa sahig pagkatapos siyang masuntok ng lalaking nagligtas sa akin.

MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon