/15/ Reality

100 8 3
                                    

"Last day mo na pala ngayon dito, Andie."


"Oo nga, Mina. Salamat sa inyong lahat. Salamat din sa cake roll."


Sa huling araw ko dito sa Luxe Records, nagpabili si Mina ng ube cake roll at nandito kami ngayon sa back office, kung saan kami nagmerienda.


"Mami-miss ko kayong lahat," ngiti ko sa kanila.


"Hindi ka ba pinayagan mag-duty ng tatay mo?" Tanong ni Abi sa akin, sabay subo ng cake.


"Marami akong subjects ngayong first sem, kaya malabo akong magkaroon ng weekend duty. Tapos may major subjects na rin," paliwanag ko. "Desisyon ko na rin iyon."


"Malay mo, sa sembreak, baka pwede," Mina assured me. "Andito lang kami."


"Oo nga."


"Pag-aaral muna ang asikasuhin mo. Pwede mo kaming dalawin dito anytime," Abi smiled. Ibinaba na niya ang paper plate ng cake at sinabing, "Doon na ako sa may cashier."


I stood up and hugged Abi. "Dadaan ako dito ah."


"Sure!" wika niya.


Pagkaalis ni Abi, dumating na sila Rex at Ben, at sila na ang umubos ng cake roll. Masaya naman ang naging usapan namin, at buti ay natigil na rin si Rex sa pang-aasar niya.


Nagpaalam na ako kina Rex at Mina pagkatapos.


"Sige, babalik din ako dito. Mangungumusta lang. Thank you sa lahat."


"Mamimiss ka namin," yakap ni Mina.


"Di ko malilimutan yung sa albums ni Julie Vega." Nakipag-high five sa akin si Rex. "Niligtas mo ang buong Luxe Records!"


"Alagaan mo iyan si Benjamin," biro ko.


"Akala ko ba may nag-aalaga na sa puso niya," ngisi ni Rex.


Umirap si Ben sa kanya sabay siko ng kanyang tagliran.


"Tol! Aray!" Pabirong sinuntok ni Rex si Ben. Natawa naman ang isa.


"Sige, aalis na ako."


"Bye Andie!" Pamamaalam ni Rex.


Sinulyapan ko si Ben, na matipid lang ngumiti sa akin. Tumango ako sa kanya sabay talikod na.


Nakalabas na ako ng Luxe Records at pilit itong hindi nililingon. Nakakainis na walang huling salita sa akin itong si Ben.


Isinantabi ko na lang ito at inisip na maghihintay ako sa opisina ni Daddy bago umalis mamaya. Nang makalabas na ako papunta sa kabilang building, narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa akin.

MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon