Content warning: violence
"Parang ang sarap ng tulog natin ah," tukso ni Rex sa amin ni Ben habang kami ay kumakain ng agahan.
Nagkatinginan lang kami ni Ben at ngumiti. We have this secret that only the two of us know.
"Aba, mukhang may tinatago ang dalawang ito ah!" Bakas ang kilig sa pananalita ni Abi. "Andie, magkwento ka naman sa amin!"
"Oo nga!" Dagdag ni Rex.
"Wala kaming ikukwento!" Ngisi ko.
"Naku, ang lalagkit ng mga titig niyo diyan!" Wika ni Rex. "Baka kayo ang nag-honeymoon!"
"Tumahimik ka na nga!" Pinalo tuloy ni Ben ang braso ng kanyang kaibigan. Nagtawanan na lang kaming lahat at pinagpatuloy ang aming agahan.
"Daan kayo sa amin sa Wednesday," pag-aaya ko. "Doon tayo sa apartment unit ni Ben. Ako ang magluluto ng dinner."
"Sige, yung pang-hotel buffet ah!" Galak na wika ni Rex.
"Pwede ka nang mag-asawa!" Tukso pa ni Abi.
"Masyado kayong apura!" Tugon ni Ben. "Basta, dumaan kayo at kakain tayo sa amin."
Nang matapos ang agahan, nag-impake na kami at bumalik na rin sa aming apartment. Nagpaalam na kami kina Abi at Rex, na tumutuloy sa bahay ng isa sa mga kamag-anak ni Abi. Nangako sila na darating sila ng Miyerkules.
Nang maiwan na kami ni Ben na mag-isa, tumuloy muna ako sa kanyang unit at magkatabi kaming nakatulog sa kanyang kama. Doon na rin ako namalagi hanggang sa oras ng hapunan.
"Dito muna ako," tumabi ako kay Ben sa oras ng aming pagtulog.
"Parang ayaw mo yatang humiwalay sa akin," tawa nito sabay halik sa gilid ng aking noo.
"Ewan, basta dito muna ako."
"Di ako maglalaho na parang bula." Yumakap siya sa akin.
Hindi ko lang masabi sa kanya na kinukutuban ako na baka may mangyari na di kanais-nais. Siguro paranoid lang ako. Pero bakit ang lakas ng aking kutob na pwede siyang umalis kahit anong oras?
Hinalikan ako ni Ben at inilapit pa niya ako sa kanyang katawan hanggang sa kami ay nakatulog na. Kung pwede lang, habang buhay siyang nasa tabi ko. Habang buhay kaming ganito sa sarili naming mundo.
—
Pagdating ng Lunes, pumasok ako sa aking trabaho. Nagkita kaming muli ni Ben noong Martes ng gabi, at inaya ko siya na maglakad-lakad kami sa may baywalk para magpahangin pagkatapos ng aming hapunan.
Nag-motor kami papunta doon. Buti na lang ay marami-rami pa ang mga tao na namamasyal at nakaupo sa mga benches habang nakatanaw sa dagat at nagpapahangin. May mga nagtitinda rin ng mga pagkain sa paligid, gaya ng balut-penoy, sorbetes, at iba pang snacks.
Magkahawak-kamay naming nilakad ang kahabaan ng baywalk. Hindi namin kailangang magsalita para ipadama ang aming pagmamahalan.
"Andie?"
"Ano iyon?" Tumingin ako kay Ben.
His sweet but sad smile met me. He looked like he wanted to speak, but couldn't find the right words for it.
BINABASA MO ANG
Memento
RomanceWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...
