(Third POV, many years later)
"Smile!"
Lahat ay wagas ang ngiti habang kinukunan ang kanilang family portrait sa sala ng Miranda residences sa Makati. Andito ang lahat ng miyembro ng Pamilya Miranda para sa isang family reunion.
Una, sila Rania Elvira (Ranie) at ang kanyang asawa na si Silvestre Felix. Dalawa na ang kanilang anak ngayon.
Ang panganay, si Elias Crisanto, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang major broadsheet company. Siya na ang pumalit ngayon sa dating posisyon ng kanyang ama na si Bestre, na retirado na. Ngunit may tinanggap si Bestre na side job bilang part-time lecturer ng Journalism sa isang unibersidad. Minsan ay guest speaker din ito kapag ang paksa ay tungkol sa mga biktima noong Batas Militar na naka-survive. Dito niya binabahagi ang kanyang mga karanasan.
Si Ranie ay nagtatrabaho pa rin sa kanilang radio station. Kinalaunan ay na-promote na ito bilang boss, at may weekly commentary show siya, na naka-livestream din sa TV.
May bunso sila Ranie at Bestre, si Elina Catryn. Anim na taon ang agwat nila ng kanyang kapatid na si Elias. Fashion design ang kanyang kinuhang kurso, pagkatapos ma-inspire sa kanyang lola na si Eloisa, na dating modelo noong 1950s hanggang 1970s. Isa rin si Elina sa team members ng isang pausbong na fashion line para sa mga working women.
Si Anna Diana (Andie) ay nakilala sa mundo ng advertising, hanggang sa naging parte na rin siya ng isang agency kung saan isa siya sa mga founders.
Siya ay naging kasintahan si Teodoro "Teddy" Retana. Pagkatapos nilang mag-date ng isang taon, ay kinasal din sila. Minahal ni Teddy ang anak ni Andie na si Belinda Nicole o Benie. Sa katunayan nga, pinagamit niya ang kanyang apelyido sa bata para may kilalanin itong ama.
Minsan pinakilala ni Andie si Teddy nang dumalaw sila sa puntod ni Benjamin Robles sa Cebu. Mas nakilala ni Teddy ang kanyang mapapang-asawa at mas minahal niya ito nang lubusan. Pinangako ni Teddy sa namayapang si Ben na aalagaan niya si Andie at mamahalin ito.
Nagkaroon ng anak si Andie kay Teddy. Isa naman itong lalaki, si Jude Nikolai, na ang palayaw ay "Jude". Malalaki na ang magkapatid; si Benie ay sumunod sa yapak ng kanyang ina at napunta rin sa isang ad agency, habang si Jude naman ay kakatapos lang mag-kolehiyo at binabalak na maging indie film director. Eight years ang tanda ni Benie kay Jude, ngunit malapit sila bilang magkapatid.
Walang pagsisisi si Andie na naging asawa niya si Teddy Retana. Nagkaroon siya ng lakas ng loob para umibig muli kahit na masakit ang kanyang naging alaala sa unang pag-ibig niya. Pareho niyang minahal sila Ben at Teddy sa magkaiba at espesyal na paraan.
Samantala, buhay pa at malakas ang mag-asawang sila Jaime at Eloisa. Nasa late eighties to early nineties na sila. Ine-enjoy na lang nila ang natitira nilang mga taon, lalo na malalaki na rin ang kanilang mga apo kay Ranie at Andie.
Ipinaubaya ni Jaime ang pagpapalakad ng Miranda Group at Luxuriant Department Store sa pinsan nila Andie na si Nixon. At hindi siya nabigo dito. Nagampanan ni Nixon ang kanyang tungkulin, at ngayon ay siya na ang nasa pwesto na minsang hinawakan ni Jaime bilang CEO.
Major stockholders sa kumpanya sila Jaime, kasama ng kanyang mga anak na sila Ranie at Andie.
Sa pagdaan ng mga taon, maraming dumaan na pagsubok at biyaya sa pamilya Miranda.
Ngunit nananatili ang pagmamahal, pagtitiwala, at ang pagsasama nila.
Choosing love, fighting for love, healing from heartbreak, and giving love a second chance. This is the story of the Miranda family.
And because of love, the story continues until the next generation, and for many more years to come.
This is the ERA series. It ends here, but the essence of love and family continues long after this book is closed.
-The End-

BINABASA MO ANG
Memento
रोमांसWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...