/24/ Nothing can stop us now

109 6 1
                                    

A/N: This and chapter 25 contains mature content. Proceed with caution.

Nang makabalik ako sa Cebu, nadatnan ko si Ben sa labas ng aking apartment unit. Nakasandal siya sa pader malapit sa pintuan.

"Mukhang hinihintay mo ako." Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap.


"Na-miss kita." Ngumiti siya at humalik sa akin.


"Parang dalawang linggo lang ako nawala, miss mo na agad ako." Humalik ako pabalik sa kanya.


Sinamahan niya ako papasok sa aking unit at tinulungan akong mag-unpack ng aking mga gamit. Binigay ko na rin sa kanya ang aking regalo na di ko naibigay noong Pasko.


"Mamahaling wristwatch ito ah!" Inangat ni Ben ang kanyang stainless steel watch mula sa kahon at pinagmasdan ito sa liwanag mula sa bintana. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa.


"Siyempre, para sa iyo iyan," ngiti ko. "At huwag kang mag-alala, di mo kailangang bigyan mo rin ako ng regalo."


"Muntik na akong mapasubo ah!" Tawa ni Ben. Binalik niya sa kahon ang relos at nanahimik sandali.


"Teka, parang may dumaang anghel," puna ko sa kanyang pagkatulala.


"Andie, andito ang aking ina. Umuwi galing abroad at dadalaw dito sa aking unit," sagot niya.


Alam ko na hindi niya kasundo ang kanyang ina. Nag-isip ako ng sasabihin sa kanya.


"Hindi ko siya matanggihan," pagpapatuloy ni Ben. "Galing itong Australia, kasama niya ang kanyang asawa na foreigner at ang nakababata kong kapatid. Pero mamayang gabi, si nanay lang ang pupunta dito. Tatagpuin ko pa ang kanyang asawa at yung kapatid ko sa ibang araw."


"Uncomfortable ka ba sa magiging tagpo niyo?" Mahinahon kong tanong.


"Ganoon na nga," tumango si Ben. "Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Baka maibulalas ko lang sa kanya ang lahat ng aking sama ng loob na kinimkim ko sa loob ng maraming taon."


"Sasamahan kita sa kabila," alok ko. "At nauunawaan ko kung ayaw mo siyang kausapin."


"Mapilit talaga, gusto niya akong makita. Hindi niya ako maiintindihan, pero sige na nga, pagbibigyan ko na siya."


Pinatong ko ang aking kamay sa kamay ni Ben. "Magkasama tayong haharap sa kanya."


Bumalik si Ben sa kanyang unit at nag-shower ako pagkatapos. Inayos ko na rin ang aking bihis para sa magiging tagpo mamaya.


Dumaan ako sa apartment unit ni Ben at inaya ko na samahan niya ako sa grocery para makabili ng lulutuing hapunan. Buti pumayag ang aking nobyo. Makabubuti na lumabas muna siya kasama ko para kumalma ang kanyang kalooban.



Bumalik kami sa apartment ni Ben at ako ang nag-alok na magluto ng carbonara na may side dish na garlic bread.



"Mukhang marunong ka nang magluto ah," ngiti nito. Huminga siya nang malalim para langhapin ang nakatatakam na aroma ng carbonara sauce. Nakaupo siya sa may dinner table habang pinapanood niya akong magluto.


"Oo naman!" Hinango ko ang bagong kulong pasta noodles mula sa pot gamit ang tongs at inilipat ko sa isang colander. Nakapatong lang ito sa kitchen counter para lumamig muna ang noodles.


Binalikan ko ang kumukulong pasta sauce sa may stove at nag-switch off na ng kalan. Nagsuot muna ako ng pot holder sa magkabilang kamay at hinawakan ang pot ng pasta para ilipat ito sa may dining table. May hinanda na akong isa pang pot holder para patungan ng mainit na pot.



MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon