Hindi ako mapakali sa mga sumunod na araw. Excited na ako dumating ang Sabado, dahil makakasama ko si Ben.
"Anong oras mo ako susunduin bukas?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng tanghalian sa karinderya.
"Alas tres, sa labas ng inyong village. Alam ko naman puntahan ang lugar ninyo." Mahina ang kanyang boses sabay tingin sa malayo. "Hindi ba mahahalata ng erpats at ermats mo?"
"Hindi iyan," ngisi ko. "Minsan hinahayaan nila akong lumabas gamit ang sarili kong sasakyan o kaya naman, kasama ang aking mga kaibigan."
"May pagka-liberated naman pala ang mga magulang mo," ngumisi si Ben sabay subo ng kanyang kanin at ulam. Ngumuya muna siya at nagpatuloy pagkatapos. "Hindi nila alam na umaangkas ka na sa motorsiklo."
"Busy si Papa sa negosyo habang si Mama naman, may social life na sarili niya. O kaya ay dumadayo sa modeling academy ng kanyang kaibigan. Instructor kasi siya doon," kwento ko.
"Big time talaga mga Miranda," natawa si Ben.
"Dati rin kasing model si Mama, may photoshoots pa nga siya sa ibang bansa. Kapag nakita mo sa society pages ang pangalang Eloisa Aldaba-Miranda, siya iyon." I smiled at the thought of it.
"Pero hindi ka ba napipilitan na maging kagaya nila? Alam mo na, mga expectations ng pamilya mo," usisa ni Ben.
Natigilan ako mula sa aking kinakain. Uminom muna ako ng tubig at doon na ako may naisip na sagot.
"Ang totoo niyan, rebelde ako noong high school student ako. Hanggang ngayon din naman. Pangarap kong matutunan ang trabaho ng aking ama, pero andoon din sa isip ko na gusto ko muna mag-enjoy. Pero nang muntik na akong mapahamak sa disco at niligtas mo ako, doon ako natauhan."
Huminga ako nang malalim. Tinignan ko si Ben na nakaupo sa aking harapan at nakikinig sa akin.
"Mula nang magtrabaho ako sa records bar, naisip kong di pwede na habang buhay ako magiging pariwara. Dapat may maisip akong direksyon na lalakarin. Yung Ate ko, si Ranie, dapat siya ang nasa pwesto ko ngayon, pero mas pinili niyang maging radio broadcaster, kasi iyon talaga ang gusto niya. Ako naman, either maging heiress ako ng Luxuriant or baka maari pang mag-iba ang direksyon ko. Pero sa ngayon, masaya ako sa mga natutunan ko sa aking summer job. At sana makatulong din ako sa aming negosyo, kahit may mga kamag-anak naman ako na nagma-manage nito."
Napasipol si Ben sabay tingin sa akin. "Ang lalim noon," ngumuso ito.
BINABASA MO ANG
Memento
Historical FictionWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...