/19/ Goodbye

98 9 4
                                    

Tiniis ko ang lahat ng kanilang panghuhusga. Pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang lahat ng kanilang mga panlalait at maaanghang na komento.


"Sayang, wala na si Val dito, kasalanan kasi ng isa diyan."


"Di ako naniniwala na hinarass siya. Binaliktad lang siguro para kaawaan siya."


"Habang panahon nang malandi iyan si Miranda. High school days pa. Nakikipaghalikan kung kani-kanino at nakikipag-inuman sa klase kapag walang teacher. Alam ko, school mate ko kasi siya dati."


"Serves her right na mapahiya siya."


Ito lang ang ilang mga komento na aking narinig sa school. Tuwing nararamdaman ko na nakapako ang kanilang mga paningin sa akin, taas-noo ko silang nilalampasan habang patuloy silang nagtsitsismisan sa likuran.


These gossipy people deserve to be behind my back. They're not worth turning my head for.


Pero kahit anong tapang ang ipakita ko, alam kong dala ko pa rin ang hinanakit at kirot sa aking puso.


Pinakamasakit sa lahat ng ito, ang mga dati mong kaibigan ay tinuturing ka nang ibang tao.


"Andie, tara, mag-disco tayo at diretso sa motel pagkatapos!"


"Tommy, ang lakas ng boses mo!"


"Mitch, ibugaw mo naman sa amin ang ex-friend mo!"


Dinig ko ang halakhak ng grupo ng mga kalalakihan na kasama ni Mitchell nang mapadaan ako sa hallway, kung saan sila nagkukumpulan. Naramdaman kong may nagdikit ng papel sa aking likuran, at nang abutin ko ito at tinanggal, ito ang nakasulat:


Hourly rate: 500 pesos


Huminga ako nang malalim at matapang silang hinarap. Itinaas ko ang papel at pinunit ko ito sa dalawa. The shocked looks on their faces were satisfying.


"Ang cheap naman ng presyo na ibinigay niyo sa akin!" I showed them a scornful grin. "I'm a Miranda, taasan niyo naman!"


Mas lalo silang di nakapagsalita sa kanilang narinig.


I went up to Tommy and crumpled the torn pieces of paper in my hand. With a mocking smile, I threw it straight on his face and walked away afterwards.


Hindi ko na sila nilingon para tignan ang kanilang mga reaksyon. Sa halip, nakakita ako ng women's comfort room sa dulo at doon ako dumiretso.


Nagkulong ako sa isang cubicle. At doon ko na pinaagos ang aking mga nagbabadyang luha habang nakasandal sa pader.


Ayokong umiyak dahil sa kanila, pero di ko na mapigilan ang sarili ko.


Mga dati kong kaibigan sila Tommy at Mitchell. Dahil pinili kong lumihis ng landas sa kanila, ganoon na ang trato nila sa akin.


Kaya kong matanggap ang panlalait mula sa ibang tao, pero hindi sa mga dati kong kaibigan.


Lumabas na ako ng cubicle at naghilamos. Nang iangat ko ang aking mukha sa salamin, saktong pumasok naman si Demie.


"Andie! Kanina pa kita hinahanap!"


Tinuyo ko ang aking mukha gamit ang panyo at napayakap kay Demie. Tinignan niya ako nang mabuti.


"Paga mga mata mo ah, umiyak ka ba?"


Tumango ako at isinarado ni Demie ang pintuan ng CR. Nilapitan niya ako pagkatapos at doon ko ikinuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin ngayong linggong ito.


MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon