Humahangos akong bumalik sa Luxuriant. Nadaanan ko sa may entrance ang pila ng mga tao, at mukhang dumami pa ito.
"Miss, taga-records bar ka?" Tanong ng isang ale sa akin.
Tumigil ako at sinabing, "Opo."
"May album ba diyan si Julie Vega?" Tanong ng isa pang babae.
"Mayroon po, pero kulang na kami sa stocks. Pero gagawa kami ng paraan para ma-replenish ito," magalang kong sagot.
"Bilisan niyo naman, kanina pa kami naghihintay dito!" Reklamo ng isang babae sa likuran. Nasundan pa ito ng ibang hinaing mula sa mga customers.
Tumayo ang security guard sa tabi ko at sinabing, "Ma'am, pasensya na po at iniiwasan lang namin na magkagulo. Pumila po kayo nang maayos at kapag may bilin na mula sa records bar, doon papasukin ang mga mamimili."
Nanahimik ang mga tao na kapwa naiirita na sa pagpila nang matagal.
"Sir, babalik kami diyan ah, sasabihin ko lang payo ng upper management ng records bar," sagot ko.
"Salamat, Ma'am," ngiti ng security guard.
Tumakbo na ako papasok ng department store at dumiretso sa Luxe Records, kung saan naghihintay ang aking mga kasama.
"Anong nangyari?" Sabik na tanong ni Mina.
Huminga ako nang malalim at sinabing:
"Natawagan ni Kuya Nixon ang supplier ng album. Pumayag sila na mag-deliver sa atin. Magbabayad din sila ng extra para may reservations tayo. Ben at Rex, puntahan niyo si Kuya Nixon sa opisina niya at sasabihin niya kung ano ang gagawin. I'll stay here to entertain the crowd."
"Sige, halika na, Rex," pag-aaya ni Ben.
Tumango si Rex sa kanya at kapwa na sila lumakad paalis. Kami nila Abi at Mina ang naiwan.
"Papasukin na ang first fifteen customers. Mina, pakilabas na ang mga natitirang albums ng First Love," utos ko.
"Okay, Andie," ika ni Mina.
Bumalik ako sa may guard sa entrance at sinabi na ang first fifteen na katao lang ang pwedeng pumasok. Isinaayos muna ng security guard ang mga nakapila, at may tumulong pa nga na kapwa guard dito para kumalma ang madla.
Sa bandang huli, ang unang kinse na customers na nakapila ang pinapasok. Ako ang unang nagdala sa kanila sa loob patungo sa Luxe Records.
Maayos ko silang pinapila at sinabi ko na limang cassette tapes at sampung plaka lang ng First Love ang available. May mga nasabi na cassette tapes ang gusto nila, habang ang iba naman ay ang vinyl record or plaka.
Kapwa namin inabutan ni Mina ang mga nakapila ng kanilang piniling cassette or plaka. Maayos silang nakapagbayad kay Abi, hanggang sa nabawasan na ang mga customers.
BINABASA MO ANG
Memento
أدب تاريخيWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...