Nakatulala lang ako sa textbook na nakalatag sa aking harapan. Ibinaon ko ang mukha sa aking mga palad at hinimas ang aking sentido.
Bakit walang pumapasok ngayon sa aking utak? Dalawang oras na ako pabalik-balik sa kaka-review ng tatlong subjects para sa finals namin this week.
Napatingin ako sa orasan sa ibabaw ng aking desk. Alas-onse y media na ng gabi. Nauwi lang ang aking pagre-review sa wala. No thanks sa parusa ni Daddy sa akin.
Di na ito umalis sa isipan ko at mas napupuno ako ng kaba at pangamba. Ano kayang mangyayari sa oras na tumuntong ako sa loob ng Luxuriant para magtrabaho?
Linggo ng gabi at ito, nagpupuyat ako para may maisagot sa exams bukas. Kahit ang Holy Week break ngayong first week ng April ay hindi nakatulong para makapagpahinga ako.
Tumayo na ako at inayos na ang aking mga gamit. Binuksan ko muna ang aking stereo na katabi lang ng aking study desk para makinig ng musika. Saktong-sakto na pagkabukas ko sa FM station, kasalukuyang tumutugtog ang "Under Pressure" ng bandang Queen at si David Bowie.
Napadapa ako sa aking kama at tinago ang aking impit na sigaw habang nakabaon ang aking mukha sa unan. Nakakainis naman kasi ang mga nangyayari sa akin!
Salamat, Freddie Mercury, pinaalala mo pa na under pressure talaga ako ngayon. Summer break dapat ako, bakit naman ako minalas noong disco party ko?
"Adie, gising ka pa ba?"
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng aking Ate. Gumulong ako mula sa aking pagkakadapa sa kama at napaupo sa gilid.
Ate Ranie stood in front of me, wearing her plaid pajama set. A smile formed on her lips when she set her sights on me. Even without make-up and with her long hair down, she looks so much like a goddess. Parang younger version ni Mommy na may hinalong mukha ni Daddy.
"Napadalaw ka yata." I can't help but smile at her as I stood up and turned off my stereo. I gave her a hug and added, "It's been a week since I last saw you here."
"Naging busy lang sa station," inakbayan ako ni Ate. "Pwede bang tumabi muna sa iyo? Na-miss kita."
Hearing those words softened my heart. Kahit may sama ako ng loob sa kanya kung minsan dahil siya ang laging pinapansin nila Mommy at Daddy, hindi ko maikakaila na naging mabuti siya bilang kapatid.
Inaya ko na siya sa aking kama at tumabi na si Ate sa akin. Malaki naman ito para sa aming dalawa. I switched off my lampshade and we started chatting with each other in the dark. Buti may kaunting liwanag mula sa poste sa labas.
"Just like the old times," ika ni Ate Ranie. "Dati ikaw ang dumadalaw sa akin sa kabila, ngayon ako naman."
I can hear the smile in her voice. I turned to my side and smiled at her in the dark. "Buti may lagusan ang rooms natin. By the way, how are things at work?"
"Masaya naman ako bilang correspondent. Minsan kung saan-saan ako naa-assign. Nakakapagod, pero maraming natututunan."
BINABASA MO ANG
Memento
Fiction HistoriqueWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...