Special Chapter: Second Love 2

173 9 3
                                        

Life went on for me.

I stopped giving my time and attention to Andie, even though we were still classmates. Masakit man ito sa una, dahil may naiwan pa rin akong damdamin para sa kanya. Mas tinuon ko na lang ito sa pag-aaral, at nang matapos ang third year, nasa Number 2 na ako ng Top 10. Samantala, natanggal si Andie sa Top 10, at lihim kong inisip na ito na ang ganti ko sa kanya.

Luckily, the school year just ended. This means a pleasant distraction in the form of summer vacation and other activities.

Hiniling ko sa aking Kuya Alvaro na dalhin ako sa gym kung saan siya nagwo-work out. Sinabi ko lang na gusto kong maging mas healthy, at buti ay pumayag ito. Ipinakilala ako ni Kuya Alvaro sa kanyang gym instructor.

Sa sumunod na dalawang buwan, nagpaka-busy ako sa pagwo-work out at pati na rin ang pagkain sa mas healthy na paraan. Nakita ko na ang unti-unting pagbabago ng aking katawan. Mula sa pagiging patpatin, nagkaroon na rin ako ng kaunting laman sa mga braso at dibdib. May nabuong abs na rin sa parte ng aking sikmura, at inaamin ko, mas nakadagdag ito sa aking kumpiyansa sa sarili. Mula noon ay nagwo-work out na ako ng dalawang beses isang linggo, kasama ng pag-jogging tuwing umaga.

Iniba ko na rin ang aking bihis. Natuto na rin akong magsuot ng collared shirts at tight maong pants. Mas inalagaan ko na rin ang aking kutis at nakapagupit na rin ng buhok na mas bagay sa akin. Iba ang nagawa ng aking pag-aayos ng sarili.

Pagdating ng fourth year, ang huling taon namin sa high school, mas lapitin na ako ng mga babae. Lalo na't na-maintain ko ang pagiging honor student pati na rin ang layout at arts editor position sa school newspaper. Lahat ng mata nila ay nakatuon na sa akin. Instant heartthrob ako, at maya't maya ako nakakatanggap ng mga love letters at chocolates mula sa mga babaeng batchmates ko.

"Love letter na naman ba iyan, Ted?"

Tanong sa akin ng aming editor-in-chief na si Rod nang dumaan siya sa aking desk sa school publication office. May tatlong envelopes sa aking lamesa at binubuksan ko pa lang ang unang envelope na nasa aking mga kamay.

"Oo, 'tol," ika ko. "Gusto mong basahin?" Inabot ko sa kanya ang hawak kong envelope.

Kinuha ni Rod ang aking envelope at binuksan ito. Binuklat niya ang nakatuping papel at habang nagbabasa ay nakakunot ang kanyang noo.

"Nakakatawa, mali-mali ang grammar!" tawa niya. "Dear Ted, I want to go out with me for the prom, hurry! Meet me at canteen tomorrow, 4pm, then I will tell you whom I am. Love you from afar, a secret admirer."

"Siyempre di aamin mga iyan," ngisi ko sabay hablot ng papel kay Rod.

"Kailangan mo na ba ng manager? Andito ako. Pwede mong talunin ang cast ng Bagets!" Halakhak ni Rod.

"Buti nga hanggang sulat lang, di naman ako dinudumog sa klase," tawa ko.

"May prom date ka na?" Tanong ni Rod.

"Wala pa, di ako dadalo," ika ko.

"Si Andie, wala ring date, nabalitaan ko," kaswal na sambit ni Rod.

"Di na ako interesado sa kanya, bahala siya," I answered coldly.

"Kunwari ka pa! Minsan kapag dumadaan sa atin papunta sa section niya sa kabila, napapasulyap ka pa rin eh!"

"Wala na akong pakialam doon." Binatukan ko tuloy si Rod gamit ang isa sa mga envelope sa aking desk at naglakad siya palayo habang natatawa.

Alam ni Rod ang naging sitwasyon ko dati kay Andie Miranda. Minsan ko na itong naikwento sa kanya, pati na rin na siya ang naging dahilan kaya ko binago ang aking itsura at sarili. Naunawaan naman niya ako.

MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon