/14/ Someone Special

122 8 1
                                    

Nakauwi ako sa oras, dahil mabilis ang byahe. Ibinaba ako ni Ben sa tabi ng village gate at binilin ko na tumawag siya sa aking linya kapag nakauwi na siya.



"Opo Ma'am," pabiro siyang sumaludo sa akin.



"Oh siya, makauwi ka sana nang buo. Salamat sa oras." I can't help but smile sweetly at him.



Kumaway sa akin si Ben at humarurot na siya ng takbo sa kanyang motorsiklo.



Nakabalik ako sa aming tahanan at buti na lang, hindi masyadong nagtanong si Mommy tungkol sa aking naging lakad. Kumain kami ng hapunan at nagsarili na ng punta sa aming mga kwarto.



I entered my own room and did a little spin. I hugged my pillow once again and thought of that overlooking view, the night sky above it, and the sight of Ben beside me.



Sayang at natapos agad ang aming moment. Pero uulit-ulitin ko ito sa aking isipan at lihim na kikiligin sa mga susunod na araw.



Ako ba talaga ito? Sabi ni Demie, wala raw akong kilig sa katawan, pero hindi niya alam na sa mga sandaling ito, ay napatunayan kong mali siya ng inaakala sa akin.



Hinintay ko ang tawag ni Ben pero hindi pa nagri-ring ang aking phone. Nagpunta muna ako sa bathroom para magsipilyo at maghilamos.

 

Nang makabalik na ako sa kwarto, doon ko narinig ang pinakaaabangan kong tunog.



Napatakbo ako sa may kama at agad na kinuha ang receiver.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Ikaw na ba iyan?" Agad kong tinanong.



"Aba, alam na alam na tatawag ako ah!" Dinig ko ang tawa ni Ben sa kabilang linya.



"Buti buhay ka pa," biro ko.


"Para akong pusa, siyam ang buhay ko!" Mas napalakas pa ang tawa ni Ben. It sounds like music to my ears.



"Sige, matulog ka na," paalala ko.



"Ikaw ang maunang matulog, nakikitawag lang ako sa tindahan," sagot ni Ben.



"See you on Monday," marahan kong winika.

MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon