A/N: Read this and the next 2 chapters, because they're connected.
Si Benjamin Robles ang aking unang seryosong relasyon.
Ikinuwento ko sa kanya ang aking nakaraan na hindi kanais-nais na marinig para sa isang lalaki. Isa akong dating party girl na mahilig makipag-inuman at lumandi. Alam na rin niya ang nangyari sa akin kay Valentin Torralba, ngunit imbes na kamuhian niya ako, tinanggap niya ang lahat bilang parte ng aking buhay. I was a reckless person and only wanted to have a good time. Ngunit nagbago ang lahat dahil na rin sa kanya.
"Hindi nabawasan ang pagtingin ko sa iyo, Andie."
Hinawakan niya ang aking kamay at pinulupot niya ang kanyang mga daliri sa akin. Sumulyap ako sa kanya at ngumiti.
"Kahit naman sa iyo, lalo na't alam ko ang mga nangyari sa iyo noon."
Pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit at ang buong siyudad ng Cebu, na namumutiktik sa ilaw mula sa mga gusali. Nagtungo kami ngayon sa isang viewdeck na dinadayo ng mga turista.
Dama ko ang malamig na simoy ng hangin at niyakap ko ang sarili. Suot ko rin ang denim jacket na binigay sa akin ni Ben.
"Iba pala sa pakiramdam kapag ang humahalik sa iyo ay taong mahal ka at mahal mo rin siya," wika ko habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Dati, humahalik lang ako sa mga babae kapag inaakit ko sila, o kaya naman ay panimula para sa...alam mo na iyon," natawa si Ben. "Pero dama ko ang sinabi mo. Unang beses kong umibig nang seryosohan."
Tinignan ko si Ben at nagnakaw ako ng isang mabilis na halik sa kanya. Napangisi ito at hindi makatingin sa akin nang diretso.
"Nahihiya ka pa rin ba, dalawang buwan na tayong steady?" Hagikhik ko.
"Minsan, pero sanay na rin." Inangat ni Ben ang aking kamay at hinalikan ang likod nito. "Lalo na't maganda at mayaman ang nobya ko."
"Parang di ka mayaman sa lagay na iyan!" Siniko ko tuloy ang kanyang tagliran at umiwas ito.
"Mas mayaman ka, Miss Miranda! Minsan nakakahiya rin para sa aking sarili," ika ni Ben sabay akbay sa aking balikat.
"Bakit ka mahihiya, may trabaho ka at negosyo? Kahit sabihin pang tinulungan ka ng iyong ama?" Sumandal ako sa kanyang balikat.
"Sabagay, tama ka," pagsang-ayon ni Ben.
Hindi madali ang aming relasyon. May mga panahon na di kami nagkakasundo, gaya ng aming schedule sa trabaho. Kaya ang solusyon namin ay mag-date tuwing weekends. Kapag weekdays at galing sa trabaho, nag-uusap kami sa magkatapat naming balkonahe. May panahon din na inaaya ako ni Ben na kumain ng breakfast sa kanyang apartment unit.
Hindi pa alam ng aking pamilya sa Maynila ang una kong relasyon. Humahanap lang ako ng tiyempo kung kailan ko ikukwento sa kanila, lalo na kay Daddy. Balak niyang dumaan dito bago mag-Pasko, at dito ko sasabihin sa kanya.
Ang magising sa araw-araw na alam mong may tunay na nagmamahal sa iyo ay isang matamis na paalala. Wala pa kaming balak na magpakasal, at alam kong darating din kami diyan. Sa ngayon ay susulitin namin ang bawat panahon na kami ay magkasama.
—
"Hi Daddy, buti napadaan ka dito sa apartment."
"Good to see you doing well, Andie."
BINABASA MO ANG
Memento
Narrativa StoricaWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...