Hi!
Kung nakaabot kayo hanggang dito sa dulo, taos-puso ang aking pasasalamat, lalo na sa unang tatlong tao na sumubaybay dito. Kung madadagdagan pa ng readers, thank you in advance.
Masaya ako at tapos na ang kwentong ito, na kumumpleto sa buong ERA Series, my first official series. This series is special for me, ito ang naging comeback ko bilang manunulat. Natapos ko ang Mirame noong bandang 2020, Memoria noong 2021, at ngayon, Memento.
Inspired ito ng mga pelikula noong 80s pati na rin noong 90s. May mga teen movies dati gaya ng 14 Going Steady at Underage na tinatalakay din ang mga seryosong paksa. Paborito ko rin ang mga old songs noon, kaya part ito ng ibang chapters.
Kung nabasa niyo na ang first two books ng ERA Series, happy ending ang mga ito. Sa totoo lang, di ko alam kung paano ko tatapusin ang Memento, until I thought of the ending. Oo malungkot, di sila nagkatuluyan, pero kung may sad ending sa buhay, may dumarating din na biyaya at pwede pa rin baguhin ang ending nito at ang kapalaran mo. Gaya ng nangyari kay Andie.
Andie is not my typical character. Siya ang pinaka-pasaway kong female lead. Pero siya rin ang pinaka-strong. I'm proud of her.
And favorite ko rin male lead si Ben. May pinagbasihan ako sa kanya. Story time, may tito ako na never kong nakilala. Ayon sa kwento, gang member siya dati sa Tondo tapos namatay siya habang may gang war. Pinana siya ng poisoned arrow. True story. Sorry rin kay Ben. I think some character deaths are justified and it helps move the plot forward.
Other trivia:
*Di ko inexpect na iikot ang love story nila Andie at Ben sa first and only album ni Julie Vega, ang First Love. Bagay lahat ng songs sa kanila.
And this is one way for me to honor Julie Vega's memory.
*Sikat ang Greenhills dati noong 1980s, pasyalan talaga ito.
*Yung tagline ni Andie na Ang gaan ng feeling, totoong ginamit ito sa isang shampoo commercial dati.
*Favorite place ko ang Cebu, minsan akong nakapunta dito. Sana mas nakagala lang ako nang matagal.
*Totoo rin yung overlooking ridge sa Sumulong Highway. At pati na rin sa Cebu, yung Tops. Sana makapunta rin ako dito.
*Dapat stand-alone yung first book, Mirame. Pero naisipan kong gawing series. Super nag-enjoy akong isulat ang ERA Series. Ito yung nasa point na ako na wala na akong paki kung may magbasa man nito or wala. Basta, magiging masaya ako sa pagsusulat nito at tatapusin ko ito. And I think I did it. 😊
*Iba yung naisip kong titles for Memoria and Memento; Quereme (Love Me) for Memoria and Besame (Kiss Me) for Memento. Para katunog ng Mirame (Look at Me). Instead, naging letter M lahat ng titles. At single word lang din.
*Iba rin yung naisip kong plots for Memoria and Memento noong una. Memoria was supposed to be about Eloisa's friend in Book 1, Mila. Memento was supposed to be about Flora Sanz, yung kaaway ni Eloisa.
Instead, naisip kong tungkol sa mga anak nila Jaime at Eloisa ang books 2 and 3.
*ERA Series ay acronym ng mga bidang babae per book. Eloisa, Ranie, and Andie.
*Iba ang original plot nitong Memento. Pasaway pa rin si Andie. Naglayas siya, umakyat ng Baguio, nanirahan sa isang boarding house, tapos dito niya makikilala si Ben, na band member.
Tapos si Ben, anak siya ng isang mayamang pamilya sa Davao tapos lumayas din siya sa kanila, to fulfill his singing dreams instead of becoming a doctor. Love and hate sila ni Andie pero nagkatuluyan sila sa bandang huli.
Sa bandang huli, I went with the current plot of this story. Happy ending dapat ito hehe sorry na. Bihira akong magsulat ng sad stories, pero I think mas okay yung current plot dahil yung naging buhay ni Ben dito, yung background niya, di usual for a leading man. Kasalanan ito ng action films na napapanood ko dati lol.
Ayun, salamat sa pagbabasa! ❤️
Thank you for supporting the ERA Series. Much appreciated!
-Ate Rai/Pinayblonde
BINABASA MO ANG
Memento
RomanceWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...
