Pinilit kong magpatuloy sa aking normal na takbo ng pamumuhay pagkatapos ng paglisan ni Benjamin Robles. Life has to move forward, despite the heartbreak of an unfulfilled first love.
Gaya ng aking pinangako, pinagbutihan ko ang aking pag-aaral. Hindi na rin ako sumasama sa barkada na puro pagpa-party at pagliliwaliw lang ang inaatupag. Iniwasan ko na rin makipag-date, dahil alam kong hindi ito kaya ng aking kalooban. Una, sariwa pa rin sa alaala ang aking naranasan kay Valentin Torralba, at pangalawa, ayokong magpaasa sa isang lalaki kung si Ben pa rin ang laman ng aking puso.
May mga gabi na nagkakaroon ako ng masasamang panaginip tungkol kay Valentin Torralba, na ginagawa niya ulit ang kanyang kasalanan laban sa akin at mas higit pa doon. Nagising ako minsan na sumisigaw at umiiyak, at narinig ito ng aking Ate Ranie. Kaya lumipat siyang muli sa aking kwarto para tabihan niya ako sa pagtulog. Dinala rin niya ako sa isang therapist para matulungan akong makabangon sa aking naranasan. Buti ay mabait ang aking babaeng therapist, na may background sa Psychology para sa mga kagaya ko, at sa iba pang mas mabigat na kaso.
Sa aming mga counseling at therapy sessions ay malaya kong naipahayag ang aking karanasan at damdamin, pati na rin sa dating naganap kay Henrico Ventura sa disco noon. Sinabihan ako ng aking therapist na wala akong kasalanan sa mga nangyari sa akin, dahil hindi ko naman ito ginusto. Tinulungan niya ulit ako na maibalik ang aking kumpiyansa sa sarili at tiwala sa mga tao. Dahil sa suporta at pagmamahal ng aking pamilya at matalik na kaibigan na si Demie, ay alam kong makakabangon akong muli.
Natuto ako ng breathing and calming exercises mula sa aking therapist, at pati na rin art therapy. Sa katunayan nga, doon ko nalaman na mahilig pa rin akong magkulay ng coloring books gaya noong bata pa ako. Nang dumating ang Disyembre, napagpasyahan ng aking therapist na okay na ako para i-let go sa aming mga counseling sessions. Nalungkot ako pero sabi ng aking therapist, pwede pa rin naman akong dumalaw sa kanya.
Mas naging okay ang lagay ko sa unibersidad. Sumali ako sa isang art club at naging isa ako sa mga illustrators ng kanilang mga Christmas cards. Binenta ito noong Christmas fair sa amin, at lahat ng ginawa kong cards ay ubos agad. Natuwa ako sa unang pagkakataon. Para lang ito noong elementary student ako at nagbebenta ako ng stationeries sa klase. Ang aming kinita ay napunta sa pagpapaayos ng art room at pagbili ng mga materials.
Sa pagitan ng mga taong dumaan, maraming sorpresa ang dumating sa aking buhay.
Una dito ay ang pagbabalik ng naging nobyo ni Ate Ranie na si Kuya Silvestre, o mas kilala bilang "Bestre". Pinakilala niya kami dito sa sumunod na taon ng 1986, at ikinasal din sila isang taon ang lumipas.
"Ate, sigurado ka na ba dito? Wala nang back-out ito."
Yumakap ako sa likuran ni Ate Ranie habang nakaharap kami sa isang salamin. Suot na niya ang kanyang wedding gown, habang ako naman ay nakabihis ng isang gown na pang-abay.
"Oo naman, my maid-of-honor!" Ngiti ni Ate Ranie sabay tinagala sa akin.
"Naalala ko mukha ni Daddy nang inuwi mo si Kuya Bestre para ipakilala sa kanila," kwento ko. "Noong una, halatang duda siya dahil aktibista ito dati at akala ay nawawala siya talaga, pero nakabalik din. Tapos maya-maya oh, lasing na silang dalawa sa mini-bar! Napasaya sa kwentuhan at inuman!"
"Buti naunawaan kami ni Papa," ika ni Ate Ranie. "At binasbasan niya ang magiging relasyon naming dalawa, pati ang kasal na ito. Thank you also, my little sister, for being here for us."

BINABASA MO ANG
Memento
RomanceWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...