Sa pagdaan ng mga araw na umabot ng isang buwan, andoon ang mga tagpo sa records store kung saan kinaiinisan namin ni Ben ang isa't isa.
Pilit ko man iwasan at tumutok sa aking trabaho, bigla na lang hihirit ang taong ito. Minsan ako na nga nananahimik, siya pa itong gagawa ng dahilan para kami ay magsagutan.
May araw na napunta lang sa ibang section ang isang cassette tape, ako na agad ang napagbintangan. I just quietly made a face at him and placed that cassette tape where it belonged.
The next day, the same thing happened again. Napasama ang vinyl disc ng isang local singer doon sa mga American singers, na siyang ikinainit ng ulo ng loko.
"Sino ba kasi nag-aayos nitong mga records? Kung saan-saan nakalagay."
Bakas ang pagkairita ng mukha ni Ben sabay kuha ng record disc at ibinalik ito sa hanay ng mga OPM singers. Umismid ako sa kanya at binalikan ang aking kausap na customer, na tuwang-tuwa sa nabili niyang cassette tape ng teen singer na si Julie Vega.
"Thank you, Miss! Fan na fan ako ni Julie!" Her smile was so bright, which made me ignore Ben saying some snide remark behind me.
"Thank you for buying here at Luxe Records!" Ngiti ko.
"Bye Miss!" Mahigpit siyang nakahawak sa munting paper bag kung saan ipinaloob ang kanyang nabili.
Umalis na ang dalagang customer. Binaling ko ang tingin kay Ben, at sinalubong niya ako ng isang mapanghusgang pag-irap.
"Ano na naman?" Tinaasan ko siya ng kilay sabay pamewang.
Lumapit si Ben sa akin at sa mahina ngunit klaro na pananalita, ito ang kanyang sinabi:
"Alam mo naman may sections ang mga albums. Bakit kung saan-saan nakalagay? OPM, napupunta sa international singer. Ballad songs, napupunta sa rock songs. Di mo ba tinitignan bago tayo umalis kapag gabi?"
Napapikit ako, pinipigilan ang sarili na magalit.
"Excuse me, I really do my job of fixing the records and returning them back to the right sections. Baka ikaw ang naglilipat-lipat ng mga iyan, tapos sa akin mo ibabaling." I raised an eyebrow at him for the second time to prove my point.
"Dalawang umaga ko nang nadatnan na nasa ganoong kalagayan," pagpupumilit ni Ben. "Di ba kayang i-double check man lang?"
"Hay, sige na po, boss. Iyan na ang gagawin ko bago tayo mag-out. Pero alam ko sa sarili ko na tinitingnan ko talaga kung nakaayos ang lahat. Pasensiya na ah, tumutulong din ako kay Mina at Abi sa daily inventory of sales."
"Kung makaasta akala mo ang daming ginagawa," pamumuna ni Ben.
"Hoy, tumutulong na nga ako dito, tapos pinapalabas mo pa na tamad ako!" Hindi ko na napigilang sigawan siya. "Ano bang problema mo sa akin?!"
BINABASA MO ANG
Memento
Historical FictionWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...