/22/ Halika Na Muli

94 8 6
                                    

"Kumusta ka na, Andie?"



"Ben...ikaw dapat ang tatanungin ko niyan."



Binalot kami ng isang nakakailang na katahimikan. Magkaharap kaming nakatingin sa isa't isa, parehong nauutal, at kapwa umiiwas ng tingin. All of these happening at around 2am in the morning. Both of us were unable to sleep, and yet we found each other here in the most unlikely of places after 3 years.



Pinilit ko ang sarili na tignan siya nang diretso. "Oh, bakit hindi ka makapagsalita diyan?" Tukso ko sa kanya. Kinagat ko ang aking labi at napalugok sa kaba.



"Parang di ka apektado nang makita mo ako ngayon. Tignan mo, kita ko ang pamumula ng mukha mo diyan sa ilalim ng bumbilya."



I saw a sly grin across Ben's face, and felt my heart beat faster. How I missed that smile for so long. And yes, I did feel my cheeks heating up.



Sinuklay ni Ben ang kanyang magulong buhok gamit ang kanyang kamay. Sumandal siya sa railing para mas makita niya ako. "Tama na pagsentimyento natin, Miss Miranda. Kumusta ka na?"



"College graduate na! Nagtatrabaho na ako, sa branch ng Luxuriant dito!" Masaya kong binalita sa kanya.



"Ayos! Talagang tinapos mo ang pag-aaral mo ah!"



"Pangako ko sa iyo, hindi ba? Tapos sabi mo sa sulat mo, yung payo mo sa akin!" paalala ko sa kanya.



"Binasa mo pala iyon?!" Pabirong nagulat si Ben sa akin at natawa.



"Oo naman, pinaiyak mo rin ako nang umalis ka! Loko ito ah!" Humalakhak ako.




"Sinundan mo ba ako dito?" Tanong ni Ben.



"Hindi no! Baka ikaw kamo ang sumunod sa akin!"



"Hindi rin! Siguro pinagtagpo tayo muli! Pero di ako naniniwala sa destiny na iyan." Ismid nito. "Pang-hopeless romantic lang iyan."



"Pwes ngayon, maniwala ka na! Marami kang ikukwento sa akin!" Sigaw ko. "At tuturuan mo akong mag-Cebuano!"




"Ayoko nga! Magpa-tutor ka na lang!" Natawa si Ben sa kanyang pagtanggi.



"Naintindihan ko huling sinabi mo sa iyong liham! Gihigugma tika!"



Natigilan si Ben sa pagtawa nang marinig niya iyon sa akin.


"Mahal kita! Ngayon alam mo na!"



I smiled and winked at him. Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa. Iniwan ko siyang nakatanga sa kanyang sariling balkonahe, at pumasok na ako sa aking kwarto.



Nahiga ako sa aking kama, at napangiti sa sarili.



Ito na kaya ang sagot para sa aming dalawa? Na kahit magkaiba ang aming mga mundo, kami pa rin ang itinadhana?

---

Hindi ko na muli nakita si Ben, na kapitbahay ko lang pala at naninirahan sa katabing apartment unit. Inisip ko na lang na huwag siyang hintayin, at hayaan na lang na kusa kaming magkakasalubong.



Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Sabak ako sa trabaho, sa bagong bukas na Luxuriant Department Store na matatagpuan sa sentro ng siyudad. Imbes na head manager ng records store doon, sa assistant duties muna ako, para makapagsimula sa ibaba at matuto paunti-unti. Wala akong reklamo tungkol sa aking trabaho, nagseryoso talaga ako tungkol dito.




MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon