/28/ Life Continues

107 8 5
                                    

"Mom, dad, can I talk to both of you?"

Binasag ko ang katahimikan sa gitna ng panonood namin ng TV news sa sala. Ang aking mga magulang ay napatingin sa akin.


"May gusto kang sabihin?" Tanong agad ni Mommy sa aking tabi.


"Dad, please turn off the TV," pakiusap ko.


My father did turn off the TV. He faced me and smiled, saying, "You can tell us anything, anak. Alam namin nagluluksa ka pa rin."



"Yes, it gets painful every day." Naramdaman ko ulit ang bigat sa aking dibdib nang sumagi si Ben sa aking isipan.


"Walang masama kung iiyakan mo pa rin siya." Mas lumapit si Mommy sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Ganoon talaga, labis kang nasaktan sa paraan kung paano nawala ang una mong pag-ibig sa iyo."


"And, there's something else I'd like to say," wika ko. Huminga ako nang malalim at tahimik na hinanda ang aking sarili sa magiging reaksyon ng aking mga magulang sa susunod kong sasabihin. I switched glances from dad's serious face to mom's worried eyes.


"I'm... I'm pregnant. With my baby from him."



Mas nakabibinging katahimikan ang sumunod dito. Nanlaki ang mga mata ni Daddy sa akin, habang si Mommy naman ay napatakip ng bibig sa aking balita.


"I will understand kung magagalit kayo sa akin. But I will keep this baby, and do my best to become a good mom, kahit na wala akong mapapangasawa."



"Andie." Napayakap si Mommy sa akin.



"Nagulat lang ako," wika ni Daddy. Hinimas niya ang kanyang sentido. Halata pa rin na di siya mapakali sa aking balita. "Hindi ko lubos akalain na nagawa mo na pala ang bagay na iyon, marahil ay labis kayong umiibig sa isa't isa. Ngunit, nag-aalala lang ako sa sasabihin ng ibang mga tao sa iyo, sa ating pamilya. Na magiging ina ka na walang asawa, at magkakaroon ka ng anak na walang ama na gagabay sa kanya."



"Jaime, ang kailangan ni Adie ngayon ay ang ating suporta at pag-unawa," paalala ni Mommy sa kanya. "Bakit ka mag-aalala sa sasabihin ng ibang tao sa atin, tayo naman ay sabay na haharap dito at tutulungan ang ating anak?"



"Eloisa, alam ko iyon, at hindi ko siya uutusan na ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Nagulat lang ako na magiging ina ang ating bunso sa napakabatang edad, bente dos anyos," mariin na wika ni Daddy.



"Parang di na bago sa iyo, ang aking pinsan na si Julia ay pareho rin ng edad nang siya ay maging ina," ika ni Mommy.


"Magkaiba ng sitwasyon ang pinsan mo at ang bunso natin," sagot ni Daddy. "At ngayon, maraming pwedeng gawin ang isang dalaga bago siya magkaroon ng pamilya at anak. Gaya ng pagtatrabaho at pag-e-enjoy sa buhay dalaga. Nanghihinayang lang ako na ganito ang nangyari kay Adie."


"I'm sorry Dad, Mom," napayuko ako.



Niyakap ako ni Mommy at inakbayan. "Hindi mo kailangan na humingi ng tawad. Andito kami para sa iyo."

MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon