May kasabihan na nakaapak ang isang paa mo sa hukay kapag manganganak ka.
By the time of early January 1990 came, nagsimula na ang labor pains ko, at agad akong pinagmaneho ni Daddy papuntang ospital. Nasa tabi ko si Mommy habang nasa biyahe at nang madala na ako sa delivery room, inabot hanggang gabi ang aking panganganak. Natural birth ito.
Giving birth is no joke. The pain is unspeakable and indescribable. Hours of labor felt like it's going to kill me anytime. But when I was finally able to push my baby out and I heard her first cry, I breathed a sigh of relief.
Pagkatapos linisin ang aking baby, agad siyang dinala at ipinatong sa aking dibdib. Naiyak ako nang una ko itong masulyapan. Ang puti niya, ang liit. Nakapikit ang kanyang mga mata at marahan kong hinawakan ang kanyang buong katawan para maramdaman niya ang aking presensiya at init.
Parehong maayos ang aming kalagayan, kaya pinayagan na makasama ko siya hanggang sa aking hospital room. Natutunan ko kung paano mag-breastfeed mula sa isang lactation counselor, at napayuhan na rin ako ng aking OB-gyne kung paano mag-alaga dito.
"Mom, dad, thank you for being with me here."
Tinignan ko ang aking mga magulang, na nakaupo sa tabi ng aking hospital bed. Nasa dibdib ko ngayon ang aking anak at nakatulog na ito pagkatapos ko siyang i-breastfeed.
"Ang ganda ng apo ko, kamukha mo," maluha-luhang napangiti si Daddy habang masusing nakatitig sa aking baby.
"May pangalan na ba siya, Andie?" tanong ni Mommy.
"Yes, it's going to be Belinda Nicole. Benie for short, may letter E sa dulo," ngiti ko. "Isinunod ko po ang kanyang palayaw sa kanyang namayapang ama, si Ben."
"Hello Benie, we're your grandparents." Dad's smile was priceless.
"Kami ang iyong pamilya," ngiti ni Mommy sa aking baby.
Masaya rin sila Ate Ranie at Kuya Bestre para sa akin nang dinalaw nila ako sa ospital. Iniwan muna nila ang kanilang anak sa bahay namin para bantayan muna nila Mommy at Manang Delia. Ngayon pa lang, nararamdaman ko na magkakaroon si Benie ng mapagmahal na pamilya.
Benjamin, andito na ang anak natin. Sana gabayan mo kaming dalawa, kung nasaan ka man. At pwede ka nang magpahinga. Huwag kang mag-alala sa amin, kakayanin namin itong mag-ina. Kakayanin ko kahit iniiyakan pa rin kita minsan. Oo, ganito kita kamahal.
—
Sa unang tatlong taon ni Benie, nasaksihan ko ang kanyang unang ngiti, ang kanyang pagtawa, ang kanyang unang hakbang, at ang unti-unti niyang paglaki. My love for her grows everyday.
Ang kanyang first birthday ay ginanap na rin sa aming tahanan, isang intimate family gathering. Dumalaw din sila Mina, sila Abi at Rex (buntis si Abi ngayon sa kanilang unang anak), at si Demie, na naging ninang sa binyag ni Benie.
"Grabe ka, inunahan mo pa ako!" Natatawa si Demie sa akin. "Ikaw pa naman itong palaging sinasabi na ayaw mo ng pag-ibig!"
"Kinain ko ang aking mga sinabi!" Natawa ako. "Pero di ko pinagsisihan na umibig, kahit saglit lang ito."
"Tignan mo naman, ang ganda ng anak mo! Nakakapanghinayang lang na di kayo nagtagal ng boyfriend mo." Alam na ni Demie ang nangyari sa akin sa Cebu, kasama na rin ng alaala ko kay Ben.
Nakakandong sa akin si Benie at mukhang gustong magpunta kung saan, kaya tumayo muna ako at pinakiusapan ang aking ina na bantayan muna ang aking anak. Buti ay sumama ito sa kanyang lola, at binalikan ko si Demie para ituloy ang aming usapan.
BINABASA MO ANG
Memento
Historical FictionWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...