/10/ So Impatient

108 8 1
                                    

Lumabas muna kami ni Benjamin para samahan niya ako sa kalapit na sari-sari store kung saan ako tatawag sa amin. Ang aming mayordoma ang nakasagot, at sinabi ko sa kanya na ihahatid na ako pauwi ng isa kong kasama.


"Ay, Adie, andito ang daddy mo. Ito."


Kinabahan ako nang inabot ang phone sa aking ama. "Hello, Adie?"


"Hi Daddy, ihahatid na ako pauwi. No need for me to be fetched here," ika ko.


"Are you going to commute? Sinong kasama mo diyan? Mapagkakatiwalaan ba iyan?" Sunod-sunod niyang tanong.


"Yes po." Sinulyapan ko si Ben na nakatayo sa gilid at nakahalukipkip. "Ma...manager ko sa trabaho." Hindi ko na mapigilan na lumabas ang mga salita na unang pumasok sa isip.


"Lalaki ba iyan o babae?"


"Lalaki po, si Sir Benjamin."


Nanahimik si Daddy sa kabilang linya. "Basta mag-iingat kayo ah," bilin niya. "Mabuti na iyan, may kasama kang binata para magtanggol sa iyo in case anything untoward happens."


I couldn't believe what I just heard. Dad is not angry over the idea of a guy bringing me home?


"I promise to take care. Thank you, Daddy."


"Bye Adie."


Ibinaba ko na ang phone receiver at nagbayad sa tindera. Lumapit ako kay Ben at ngumisi siya sa akin. "Ang haba ng naging usapan niyo ng erpats mo."


"Pasensiya na, natagalan. Strict kasi siya eh."


We started walking back to the apartment. "Di ka na grounded?" tanong ni Ben.


"Hindi na. Natutuwa sila sa work performance ko sa records bar."


Tumango na lang si Ben. "Sir Benjamin pala ah."


"Ayaw mo iyon, napagkamalan kang manager?"


"Haha," pabiro niyang tawa. "Malay mo naman, maging manager nga ako. Siya nga pala, ito na ang motor na magdadala sa iyo pauwi."


Hindi na kami pumasok sa loob ng apartment. Sa halip, nakatayo kami ni Ben sa harapan ng isang motorsiklo na nakasandal sa pader na malapit sa isang poste.


I gasped in delight upon seeing this big, bad motorcycle. Suzuki ang model nito at mukhang well-maintained.


"How can you afford this?" tanong ko habang nilapitan ko ang nasabing motor.


"Siyempre, pinag-ipunan," sagot ni Ben. "Inutang ko pa nga iyan, buti matatapos ko na ang bayad sa Hunyo."


MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon