/17/ Loved

111 10 4
                                    

A/N: 

Content warning: victim blaming
Please be guided accordingly.

"Salamat at nagkaharap tayong lahat ngayong gabi. No thanks to the trouble your son did to our daughter."


Nasa salas kami ngayon ng Pamilya Torralba. Pinauwi na ang lahat ng mga dumalo sa house party. Si Ate Ranie ang tumawag kay Daddy sa bahay at agad itong sumugod kahit dis-oras na ng gabi.


Magkatabi kami nila Daddy at Ate Ranie sa isang sofa, habang nakaupo sa harapan namin sila Mr. and Mrs. Torralba. Nakasandal sa isang armchair si Valentin na may hawak na ice bag sa kanyang ilong na namamaga. Nakapikit ang kanyang mga mata at wala pa rin sa wisyo. Samantala, nasa dalawang armchair nakaupo sila Mitchell at isang babaeng witness.


"Mr. Miranda, gusto naming maresolba ang gulong ito sa lalong madaling panahon. Handa po kaming makipagtulungan sa inyo." Balisa si Mrs. Torralba, na isang middle-aged na ginang.


"Kung gusto niyo po, babayaran namin kayo, basta huwag na natin itong paabutin pa sa mga pulis," nakasisigurong alok ni Mr. Torralba, na namumuti na ang buhok. Inayos niya ang kanyang salamin na tabingi at dinagdag, "Masyadong matatagalan kung maiisipan niyo pang mag-file ng kaso, tayo na lang ang lumutas dito."



Parang nandilim ang paningin ni Daddy sa kanyang mga narinig.


"Hindi niyo kami madadaan sa pera, lalo na't anak niyo ang may malaking kasalanan sa aming anak! Kita niyo naman kung gaano siya kaapektado! Kaya napasugod ang panganay namin dito para gantihan iyang anak niyo!"


Halatang nagpipigil si Daddy na magalit, ngunit bakas ang kanyang totoong nararamdaman sa tono ng kanyang pananalita.


"Kung hindi naka-mini skirt ang anak ninyo, gaya ng kwento ni Val, walang mangyayaring harassment," giit ni Mr. Torralba. "Pananamit pa lang, halatang kiri iyang bunso ninyo, siguro siya ang umakit sa anak namin na si Valentin."


Nagpintig ang pandinig ko sa pananalita ni Mr. Torralba. Napatayo ako sa aking kinauupuan at di na ako nakapagpigil na sagutin siya, kahit bastos ang dating ko.


"Sir, for your information, iyang lasing niyong anak ang unang lumapit sa akin! Nag-iisa lang ako sa living room ninyo at wala po akong ginawa para akitin siya! Dinikit niya ako sa pader at pilit akong hinalikan at inaya na makipagtalik sa kanya! Lumaban lang ako at tinulak siya palayo!"


"Kursunada ka ni Val, bakit di mo siya pagbigyan?" Sinisisi pa rin ako ni Mr. Torralba.


"I said no to him! Even when we first met at school and he said he wants to date me, I said we can only be friends! And he can't take a simple no for an answer!" Sigaw ko. "Dumalo ako sa illegal party niya dito para pagbigyan siya at nang matigil na!"



Naramdaman ko na humawak si Ate Ranie sa aking braso. I looked at her and she mouthed me to calm down. I let out a deep breath and sat down.



"O, galing mismo sa aming anak, di pa kayo naniniwala?" Sumbat ni Daddy kay Mr. Torralba. "Kita niyo naman, anak ninyo ang nagpasimuno ng party habang wala kayo, at ang daming naka-maiksing palda kanina! May mga naka-bikini pa nga, iyong mga galing sa swimming pool! Kahit sino pwedeng lapitan ng anak niyo at molestiyahin, tapos anak ko na si Andie ang sisisihin niyo? Wala ito sa suot niya, kundi sa maruming isipan ng unico hijo niyo."



"Umuwing umiiyak ang aking kapatid, at pinagtanggol ko lang siya bilang Ate niya," dagdag ni Ate Ranie.



"Val, bakit mo naman ginawa ito sa isang babae?" Tanong ni Mrs. Torralba. "Sabi mo ayaw mong mag-aral sa Iloilo, at may nakaaway ka rin doon, kaya ka namin pinadala dito para magtino ka," maluha-luha niyang winika habang nakatingin siya kay Val.



MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon