Maayos ang aking naging unang araw sa Luxe Records Bar.
Siyempre, naiilang ako sa aking mga kasama, dahil hindi ko sila lubusang kilala. At iba ang mundo nila bilang mga empleyado kumpara sa akin. Buti na lang hindi ako nahirapan sa pag-aaral ng aking trabaho doon. Tinuro sa akin ni Ma'am Mina kung paano ayusin ang mga disc records at cassette tapes ayon sa kanilang mga kategorya.
Bukod pa doon, pinakita niya sa akin ang inventory logbook, kung saan nakalista ang mga stocks, ang pinakamabentang albums for each week and month, at ang mga naka-schedule na darating na mga records mula sa kanilang mga distributors.
Matiwasay na natapos ang aking araw. Bago ako umalis, sinabihan ako ni Ma'am Mina sa back office.
"Bukas, kayo na ni Ben ang magma-manage sa mga customers ah."
Gusto kong sumimangot, pero pinilit ko na lang na ngumiti. "Sige po."
Hindi man sakit ng ulo si Benjamin ngayong araw, ramdam ko na agad na naaasiwa siya sa akin. Sa lahat ng staff, siya lang itong hindi namamansin. Mas okay pang makasalamuha sila Rex at Abi.
"At 7pm na rin ang out mo gaya namin. Ngayon ka lang pwedeng lumabas ng 5pm," dagdag ni Ma'am Mina. "Ay, ito na pala ang uniform mo."
Iniabot niya sa akin ang isang paper bag. Sinilip ko ang loob nito at nakita ko ang mga nakatiklop na white shirts at ang red pleated skirts.
"Dalawa iyan, para may pamalit ka."
"Thank you, Ma'am Mina."
"Mina na lang!" Tawa niya sa akin.
Kinuha ko ang aking tote bag at sinukbit ito sa aking balikat. Dala ko ang paper bag ng mga uniporme sa aking kaliwang kamay. "Bye, Mina," ngiti ko sa kanya.
"See you tomorrow!"
Lumabas na ako ng back office. Papaalis na sana ako nang batiin ako ni Abi sa cashier.
"Ang aga ng uwi ah! Ingat!"
"Bukas, sabay na tayong lalabas!" Nakangiti kong sagot.
"Ayain ka namin mananghalian o maghapunan!"
Sumingit itong si Rex na kakadating lang at may dalang kahon ng mga records. "Sa five star hotel tayo mag-dinner! Libre mo ah, Andie!"
"Ito naman! Kung makahiling!" Natawa ako nang tuluyan at gumaan na rin ang aking pakiramdam. "Kung saan kayo kakain, doon din ako!"
"Tamang-tama! Madadala ka na namin sa pancitan ni Aling Mameng! Masarap ang kanilang mga ulam pati ang pansit!" Excited na wika ni Rex sabay lapag ng kahon ng records malapit sa may cashier.
"Bye na!"
"Paalam, Miss Miranda!" Masayang sagot ni Rex.
BINABASA MO ANG
Memento
Historical FictionWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...