Kabanata 2

434 10 7
                                        


Literal na napanganga ako sa kanya. Lalo na sa huling sinabi niya.

Ano raw? Baby girl? Gano'n na ba ako kaliit para sabihin niya pa 'yon?

Alam ko namang cute ang height ko pero bakit pa niya ako kailangang tawaging baby girl? At sa harap pa ng mga mokong.

"Magkakilala kayo?" takang itinuro kaming dalawa ni Ainhoa.

Napabaling ako sa kanya at sa mga kasama rin naming naghihintay ng sagot.

"Hindi ah." Umismid ako sabay tingin sa lalaki sa harap ko.

Napahimas naman ito sa baba at ngumisi nang nakakaloko sa akin.

"Hindi pa dahil hindi ko pa alam ang pangalan mo. What's your name by the way, baby girl?" natutuwang sabi niya.

Lalo akong umismid sa sinabi niya. Unti-unti akong humalukipkip at umatras nang kaunti dahil sa lapit niya. Nangangawit kasi ang leeg ko kakatingala sa taas niya. Sinundan niya ng tingin ang ginawa ko at ngumisi na naman.

Doon ko napagmasdan nang maigi ang mukha niya. Tuwid ang makakapal na kilay, singkit na mga mata, matangos ang ilong at natural na mapulang labi. Kapansin-pansin ang dalawang hikaw niya sa itaas na bahagi ng tainga at gold dogtag sa leeg. May mga tattoo rin siya sa magkabilang braso at sa leeg.

"Paano mo nakilala si Brea, RK?" sabat uli ni Ainhoa nang hindi ako sumagot.

"Brea..." marahan at parang namamanghang usal niya. "Cute." Ngumisi uli siya.

Umirap naman ako at bumaling sa ibang direksyon.

Bakit parang walang kapaguran ang pagngisi ng isang 'to? Masarap ba lagi ang ulam nila? Psh. Malamang. Mukhang anak-mayaman e.

"Una na ako. Ang boring naman pala rito. Walang kwenta." Humikab kuno ako at tumalikod na.

Actually hindi naman talaga 'yon ang rason. Ayaw ko lang ng paraan niya ng paninitig sa akin na parang hinuhubaran niya ako sa isip. Ang laswa niya tumingin grabe! 'Yung mga tingin niya 'yong tipong kaya ka niyang buntisin sa isip. Tangina.

"Hoy Brea, wait!" boses ni Evie na sumunod.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ramdam ko sa aking likuran ang nakakapasong mga titig niya. Pagkunwan ay narinig kong nag usap-usap uli sila sa likod samantalang siniko naman ako ng katabi ko nang si Evie.

"Magkakakilala kayo no'n?!" Pinandilatan niya ako ng mata.

Tumirik ang mga mata ko. "Sabi nang hindi."

"Pero kilala ka niya, girl?"

"Hindi nga niya alam ang pangalan ko," paismid na sabi ko.

"No I mean, nakilala ka niya physically. So it means nagkita na kayo?" pang uusisa niya.

"Oo dati. Sa Imus. Pagkatapos ng game," nababagot na sagot ko.

Hay... sana nag mall na lang ako. Sayang oras.

"Oh talaga? How?" namamanghang utas niya na parang himala 'yon.

"Di ko alam. Basta bigla na lang siyang sumulpot at itinali ang nakalas na sintas ng sapatos ko," sagot ko habang nagkukutkot ng kuko.

Napadaing ako nang hampasin niya ako sa balikat at saka nagtititili.

"Me gosh! Destiny!" Humagikgik siya.

"Psh. Timang. 'Di ko siya type 'no." Bumalik ako sa pagkukutkot ng kuko ko.

Umismid siya sa akin. "E wala ka naman type kahit sino. Lahat basted sa'yo. Konti na lang magdududa na ako sa kasarian mo e. Umamin ka nga, tibo ka ba?"

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon