Mabilis na dumaan ang mga araw at sa mga araw na 'yon inabala ko ang sarili sa pagpapraktis ng sayaw. Dahil representative ng school sa kompetisyon, excused kaming dalawa ni Jase sa lahat ng subject maging ang choreographer namin na si Keyla. Kukuha na lang kami ng special quizzes at test para sa mga na-missed namin.Umaga at hapon ang practice, halos ukupain na rin lahat ng subjects namin dapat. Kaya naman makalipas ang apat na araw, bugbog na agad ang katawan ko sa walang humpay na practice.
"And I... need... you to know that we're... fallin' so fast, we're fallin' like the stars, fallin' in love..." ♪♪
Kasalukuyan kaming nagpa-practice nang bumulong si Jase sa akin. Sakto kasing nagkatinginan kami nang nakaluhod at magkaharap.
"Boyfriend mo ba 'yung kanina pang nanonood na lalaki?" bulong niya, sakto lang na hindi mahalata ni Keyla.
Kumunot ang noo ko at sabay kaming tumayo na magkalapit ang mukha. Ako ang tumingkayad dahil parte 'yon ng steps.
"Sino'ng lakaki?" bulong ko rin.
"And I'm... not... scared to say those words... with you I'm safe, we're fallin' like the stars, we're fallin' in love..."♪♪
Hindi muna siya sumagot dahil kailangan niya akong hilain pahiga. Kumubabaw ako sa kanya at niyakap siya nang mabilis bago muli siyang ibinangon at niyakap muli sa leeg. Doon siya muling bumulong.
"'Yung lalaking matangkad na kanina pa nasa may hamba ng pinto."
Tumayo kami at pinaikot-ikot niya muna ako bago kami nagkatalikuran at nagkalock ang mga braso saka ako binuhat. Dahil sa mabibilis at swabeng steps, hindi ko matiyempuhan ang lalaking sinsasabi niya. Saka lang ako nagkaroon ng tsansang sulyapan ang nakabukas na pinto nang ipinaikot niya muna ako ng dalawang beses sa sahig bago binuhat at yumakap ako sa kanya, pumulupot ang mga binti ko sa baywang niya. Sa pag ikot namin na 'yon habang yakap ko siya, nasulyapan ko si RK na nakahalukipkip nga sa may hamba at matamang pinapanood kami. Seryoso ang mukha niya ngayon at walang kangiti-ngiti.
Ano'ng ginagawa ng isang 'to rito?
Gusto ko sana siyang tignan nang matagal dahil may pagtatanong sa mga mata ko pero abala ako sa pag fo-focus sa sayaw. Nagpatuloy ang sayaw at halos gawin akong manika ni Jase. Buhat dito, ikot doon, sirko dito, exhibition doon.
"And I'm... not... scared to say those words...with you I'm safe, we're fallin' like the stars, we're fallin' in love..."♪♪
Natapos ang kanta sa paglapat ng tig-isang kamay namin sa itaas at marahang pinababa habang nakatitig sa isa't isa. Hinapit niya ng isa niyang kamay ang baywang ko at pinagdikit ang mga noo namin, halos magdikit na rin ang mga labi namin.
"Bravo!" masayang sigaw ni Keyla sabay malakas na pumalakpak.
Nagsipalakpakan din ang mga estudyanteng nanonood kaya humiwalay na ako at hingal na tumingin kay RK. Walang nagbago sa mukha niya. Hinihintay ko siyang ngumisi tulad ng dati pero wala.
"Good job, guys! You're improving! Konting push pa, ma-pe-perfect niyo na!" Patuloy sa pagpapalakpak si Keyla.
Sinulyapan ko siya saglit. Mabuti naman at na-please ko rin sa wakas 'to.
"Good job! Nice, Brea. Jase." Papuri niya sa amin. "Okay, lunch break!" Pumitik siya at nilapitan ang laptop.
Dumiretso naman agad ako sa bag ko at kumuha ng malinis na face towel.
"Ano, Brea? Boyfriend mo 'yan?" mahinang tanong ni Jase nang tabihan ako para rin sa bag niya.
"Hindi. Marites ka rin e," nakaismid na sambit ko habang pinupunasan ang leeg at mukha ko.
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
عاطفيةWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...