Kabanata 3

316 7 1
                                    


"Oh Brea, late ka na naman," bungad ni Keyla, ang lider ng dance group na kabilang ako.

Member ako ng all-girl dance group ng TNHS. At isa 'yon sa dahilan kung bakit kaunti lang ang binabayaran kong tuition fee. Nag apply kasi ako ng scholarship para sa hobbies at extracurricular. Wala naman akong hilig sa pagsasayaw pero dahil sayang naman ang maibabawas sa tuition ko, pinatos ko na. Marunong naman akong sumayaw at madali ko lang 'yon natutunan sa paglipas ng taon.

"Sorry na. Traffic e," palusot ko kahit hindi na naman.

"Sus! Puro ka na lang traffic. Kapag ganito naman sanang may practice tayo sa umaga, aga-agahan mo naman! Na-stress ako sa'yo. Kaloka ka." Patuloy na talak niya sa likod ko.

Ginaya-gaya ko siya habang naglalabas ako ng pamparaktis na damit sa bag.

Ewan ko ba dito kay Keyla. Bukod sa pagiging late paminsan-minsan, wala naman akong alam na atraso ko sa kanya para pag initan niya ako ng ulo lagi. Magaling naman ako sumayaw at nakakasunod sa steps. Hindi ko maintindihan kung bakit ang init lagi ng ulo niya sa akin. Ewan. Ganoon yata talaga 'pag maganda, lagi kang pag iinitan dahil sa insecurities.

"Ang bagal pa kumilos. Bilisan mo d'yan!" inis na sigaw niya bago nag-instruct na pumorma ng linya.

"Oo na. Ito naman, ang init agad ng ulo. Umagang-umaga," bulong-bulong ko habang papunta sa banyo upang makapagbihis.

Pagkatapos ng isang oras na praktis, umalis na agad ako ro'n dahil ako na naman ang topic nila. Ewan ko ba sa mga Marites na 'yan. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila akong pag usapan. Lalo na kapag nakatalikod ako. Tinatanong nila lagi kung virgin pa raw ba ako o kung sino na naman daw ang jowa ko. Psh. Tama bang usisain pa nila ang mga bagay na 'yon? At kapag nand'yan naman ako, hindi naman sila magtanong. Hay. Ang hirap talaga maging maganda. Ganda problems ba. Pati pribadong buhay uusisain.

"Musta practice?" Tinabihan ako ni Evie sa isang bench na nasa school grounds.

Sumunod si Ainhoa na nagse-cellphone.

"Okay naman," tamad na sabi ko bago sumipsip sa softdrinks.

"Kumusta 'yung mga alagad ni Aling Tess? Buhay pa?" natutuwang dagdag niya.

"Buhay na buhay. Sarap nga ibaon sa lupa e. Six feet below the ground." Umismid ako.

Humalakhak si Evie samantalang si Ainhoa ay busy sa pagte-text.

"Girls, daan tayong CSU maya ah," maya-maya'y sambit niya.

Sabay kaming napabaling ni Evie sa kanya.

"Bakit?" Si Evie ang nagtanong.

"Syempre para masilayan si Papa RK," kinikilig na sambit niya at nagkagat-labi.

Napairap naman ako nang maalala ang kalaswaang nasaksihan na naman ng inosente kong mga mata. Ilang beses pa akong nagbanlaw ng mata kagabi para lang maalis 'yon sa isip pero sadyang makapit ang dumi na 'yon sa utak ko. Pakiramdam ko habang-buhay ko na 'yon na hindi makakalimutan.

Ipinilig ko na naman ang ulo sa iniisip. "Ayoko. Kayo na lang. Magtitingin ako ng laptop after school."

"Ih! Brea naman!" singhal ni Ainhoa.

"Wala naman akong gagawin do'n e." Inismiran ko siya. "At isa pa, kailangan ko ng laptop para sa tutorial sessions ko. Malapit na naman ang bayaran ng miscellaneous fee."

Lalong humaba ang nguso niya sa akin.

"Ikaw Evie?" baling niya rito.

"Sige pero 'wag tayo papagabi ah? Gagi kayo. Napagalitan ako kagabi," nakangiwing utas niya.

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon