"Momma?"Ngumiti ako kay Rhydian nang nakapamulsa siyang huminto sa paglalakad. Tapos na ang klase niya ngayong araw at kami ni RK ang sumundo sa kanya.
"Honey." Naglahad ako ng mga braso.
Lumawak naman ang ngiti niya at patakbong lumapit sa akin. Nalaglag ang kamay ni RK mula sa baywang ko nang lumuhod ako upang salubungin ng yakap ang anak ko. Niyakap ko siya nang sobrang higpit dahil miss na miss ko siya. Ngayon ko lang uli siya nasilayan matapos ang halos dalawang linggo kaya naman ninamnam ko ang pagkakataon na yakapin siya nang mahigpit.
"I miss you so much, honey," nakapikit at mahinang anas ko.
"I miss you too, mom. What happened? Are you guys okay now?" nagtatakang tanong niya.
Kumalas naman ako at ngumiti sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Thanks to you, honey," makahulugang sambit ko.
Kung hindi kasi pinalakas ni Rhydian ang loob ko na kausapin ang ama niya, hindi kami magkakalinawan at magkakaayos. Nakatutuwa lang na...sa simpleng paraan niyang 'yon, nakaya niyang buuin ang pamilya namin. Siya na anghel namin ang nagdugtong ulit sa amin ni RK. Siya na bunga ng pagmamahalan naming dalawa.
"And guess what? We're engaged." Nakangiting ipinakita ko ang singsing sa daliri ko.
Sinulyapan niya ang singsing at nakangusong tumingala sa ama.
"I thought we would work on your marriage proposal, dad? You said we would both do it? What happened? You did it yourself!" nagtatampo at inis na sambit niya kay RK.
Natawa naman nang mahina si RK at ginulo-gulo ang buhok niya. "Sorry boy, I couldn't wait any longer. You know how much I wanted to marry your mom."
Humalukipkip si Rhydian at matalim na tumingin sa ama. Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.
You know how much I wanted to marry your mom? E hindi ba't muntik na na siyang sumuko? Muntik na niya akong iwan. Psh.
"I have an idea. Why don't we leave now and eat together outside? Hm? You like that, right?" Ngumisi ako nang matamis sa anak.
Inilipat niya ang matalim na tingin sa akin.
"Alright, but I won't forget what he did." Ibinalik niya ang tingin sa ama. "He's so unfair! He said I'm gonna be part of it!"
Sabay kaming napatawa ni RK dahil sa pagmamaktol niya. Ang cute cute niya magtampo. Grabe.
Patuloy sa pag-ungot si Rhydian hanggang makalabas kami pero kalaunan, napaamo rin siya ni RK lalo na nang hamunin siya nito sa karera ng bisekleta sa parke at kung manalo ito ay bibigyan niya ng reward. Siyempre sa huli, nanalo si Rhydian at walang kahirap-hirap na binilhan siya ni RK ng latest na game console na Xbox series na nagkakahalaga lang naman ng sixty thousand pesos!
Wala naman akong angal do'n dahil mayaman naman talaga siya at paniguradong barya lang niya 'yon. At anak naman niya ang pagbibigyan kaya lang baka maadik sa laro ang anak ko at mapabayaan nito ang pag aaral. Though sinigurado naman niyang hindi. Tuwang-tuwa ang bata sa natanggap at talagang okay na okay na sila ulit. Parang hindi sila nagbardagulan kanina habang nagkakarera sa parke. Psh.
Nang dumating ang weekend, nagdesisyon kaming umuwi muna ng Cavite upang bumisita sa magulang at para na rin ibalita ang engagement namin ni RK. Hindi kasi nila alam na si RK ang tunay na ama ni Rhydian. Ang alam nila si Ransford. Kaya naman sobra ang gulat nina Amang at Inang nang ipakilala ko sa kanila ng opisyal si RK na siyang totoong ama ni Rhydian at ibinalita ko na rin na engaged na kami.
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...