Nagising ako sa marahang pagsusuklay sa buhok ko. Init ang naramdaman ko kahit na malamig ang paligid dahil sa aircon. Napamulat ako at naaninag ang malapad na dibdib na yakap-yakap ko pala. At kaya pala mainit dahil wala siyang pang-itaas na damit.Nagkusot ako ng mata bago tumingin kay RK.
"Hey beautiful," nakangising pagbati niya.
"Ano'ng oras na?" paos pang sambit ko.
"Oras na para sa isang panibagong round." Ngumisi siya nang nakakaloko habang hinahaplos ang ulo ko.
"Sira." Hinampas ko ang dibdib niya. "Ano nga?"
Napatawa siya nang mahina bago tinignan ang orasan sa bedside table sa may likurang gawi ko.
"It's six in the evening."
"Ha?! Alas sais na? Paano 'yung trabaho natin?!" Napabalikwas ako ng bangon.
Doon ko lang napansin ang suot kong puting T-shirt na malaki sa akin at ramdam kong wala akong kahit ano'ng underwear sa loob.
Hinawakan niya ang likod ko at kalmadong nagsalita.
"Why worry? Have you forgotten that your boyfriend is the owner of the company?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Doon ko lang natanto na sobrang bilis pala ng mga pangyayari. Parang kailan lang, empleyado niya lang ako tapos ngayon...kami na. Parang hindi ako magreresign dapat kanina ah!
"Pero kasi...baka magtaka sila kung bakit hindi na ako pumasok?" Kinagat ko ang labi ko.
Marahan naman niyang hinihimas ang likod ko at gumuguhit ng circles do'n.
"Harvey can take care of that. Binilin ko na siya."
"Pero...wala ka bang meetings o importanteng gagawin?" marahang tanong ko.
Ngumisi agad siya nang nakakaloko sa akin.
"Meron. This." Ipinasok niya bigla ang isang palad sa loob ng damit ko at hinaplos ang nasa pagitan ng mga hita ko.
"RK!" Inalis ko ang kamay niya.
Humalakhak siya.
"Masakit e," nakangusong sambit ko.
Sobrang hapdi pa kasi dahil sa laki niya. At...nakatulog ako nang mahaba dahil sa sobrang pagod kahit na minsan lang namin ginawa!
Hinaplos niya ang hita ko.
"Sanayin natin para hindi na masakit." Ngumisi siya.
Lalo akong ngumuso. "Ano ka. Ang hapdi kaya. Uuwi na ako. Marami pa akong gagawin sa condo ko."
"Just stay here."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Marahan akong umalis sa kama at naglakad nang mapahinto dahil hindi ako makalakad nang maayos! Napakapit tuloy ako sa backrest ng pang-isahang sofa sa mini service area at marahas kong nilingon si RK na kalmanteng nakaunan sa mga braso niya.
"Ano'ng ginawa mo sa akin?!" Pinandilatan ko siya.
Ngumuso siya upang supilin ang pagngiti.
"Told ya. Dito ka na magdinner at matulog. Talagang hindi ka makakuwi ngayon, babe."
"A-Ano? Hindi p'wede!" angil ko.
Pinagtaasan niya ako ng kilay at nginusuhan.
"Why not? Natatakot kang may gawin ako sa'yo e may nangyari na nga sa atin."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa kanya. "Hindi 'yun! S-S'yempre may condo pa rin akong uuwian 'no!"
Bakit niya ba kailangan pang banggitin 'yun?! Nakakahiya!

BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...