Kabanata 26

272 9 5
                                    


"Are we really staying here for good?" masayang sambit ni Rhydian habang iginagala ang paningin.

Nasa bagong condo na kami sa QC na binili ko.

"Yes, honey. Welcome to our new home." Muwestra ko sa buong unit.

Matapos ang kasal ng ate ko nag-stay pa muna kami sa Baler ng isang linggo bilang  bakasyon at dalawang linggo naman sa bahay namin sa Cavite dahil parang ayaw nang lubayan nina Amang at Inang si Rhydian.

Sinuhestyon pa ni Inang na kung p'wede, doon na lang muna kami tumira para maaliw sila sa apo nila pero dito sa Maynila kasi ang in-apply-an kong trabaho. Maliit ang sahod sa probinsya at kahit may ipon pa naman ako, naisip ko na lumalaki na ang anak ko at kailangan ko pang mag ipon-ipon pa para sa future niya. Nangako na lang ako na dadalaw-dalaw kami ro'n kapag wala kaming pasok pareho ni Rhydian.

"But where's dad? Why isn't he with us?" kuryosong tanong niya at namulsa.

"He's kinda busy. He's helping your Tito Sanjay with their company."

"And where are his things?" Tumaas ang dalawang kilay niya.

Napalabi naman ako. "He'll get them himself when he's not busy. He told me."

Nanatili ang titig ng anak ko sa akin bago nagkibit balikat at tumungo sa sala. Sinundan ko siya ng tingin. Matalino si Rhydian at hindi ko alam kung bakit ikinatatakot ko 'yun.

Sa sumunod na linggo, nagsimula na akong pumasok sa isang Architectural firm. Senior management ang in-apply-an ko at dahil sa experience ko sa Singapore ay nakuha naman agad ako. Na-i-enroll ko na rin si Rhydian sa isang private school na malapit lang din. Matagal ko nang naayos ang pagtransfer niya at ngayo'y grade two.

Hatid-sundo kami ni Ransford bago naman siya pumasok sa opisina nila pero minsan ako na ang sumusundo sa anak ko dahil abala siya. Mabuti na lang din at tinuruan niya akong magmaneho ng sasakyan no'ng nasa Singapore pa kami kaya nakatulong ngayon.

"How's your first day of school?" tanong ko kay Rhydian habang palabas na kami ng school.

"Sadly, I didn't make a lot of friends. It seems like they're scared of me or something. They won't talk to me," nakangusong pagkuwento niya.

Napatawa naman ako nang kaunti at sinulyapan siya.

"It's okay, honey. It's still your first day though. You can make a lot of it as days go by," pang-aalo ko. "Maybe they're still uncomfortable or shy."

Pagod siyang bumuntonghininga bago ngumisi. "It's alright Momma. I made a new friend though."

"Really?"

"Yeah. He's pretty cool and nice. I like him!"

"Can I meet him?" taas kilay kong tanong.

"Yeah of course, I'll tell him the next time." Matunog siyang ngumisi. "And I don't think I need a lot of friends though, he's nice and he's enough for me."

Napangiti naman ako. Mabuti naman at gan'to na siya mag isip. At masaya ko na may nakasundo pa rin siya kahit papaano. Friendly naman talaga siya at magaling makisama. Siguro masiyado lang na-intimidate ang mga kaklase niya sa kanya dahil laking ibang bansa.

Kinagabihan, sabay-sabay kaming nagdinner na tatlo.

"How's your first day, big boy?" tanong ni Ransford kay Rhydian.

"Sadly, I didn't make a lot of friends, but I made one. And I like him," kaswal na sagot ni Rhydian.

"Really. That's a good start."

"E ikaw? Kumusta naman ang opisina?" tanong ko naman kay Ransford.

"Maayos naman. Medyo magiging abala lang ako nitong susunod na mga linggo." Sinulyapan niya ako. "Hindi ako makakauwi nang madalas. May mga scheduled business trip kasi kami ni kuya."

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon