Kabanata 27

282 6 5
                                    


Gulong-gulo ako sa sinabi ng anak ko kaya naman no'ng gabing 'yun hindi ko siya tinantanan ng tanong pero aniya mas mabuti kung makakapag-usap kami nang mabuti ng ama niya.

Hindi ko alam kung tama ba ang suhestiyon niyang 'yun dahil kinain agad ako ng guilt. Guilt dahil nasaktan ko na naman siya. Kung...sakali mang totoo ang sinabi ni Rhydian na wala siyang ibang pamilya, na hindi niya anak si Sadie kay Ellarie ay hindi ko alam kung papaano siyang haharapin ngayon. O...kung may mukha pa ba akong maihaharap ngayon.

Kaya lang naisip ko rin na...kung sakaling hindi ko siya kokomptontahin tungkol do'n ay baka lalo akong hindi malinawan. Hindi ko nga alam kung paano at saan sisimulan. Nasaktan ko na naman si RK dahil sa pagiging selfish ko o pagiging selfish nga ba ang tawag do'n dahil sinubukan ko lang namang isalba ang sarili ko.

No'ng time na nahilo ako sa gilid ng kalsada at nasalo raw ako ni Ransford, no'ng araw na mismo ring 'yun nalaman naming buntis na pala ako dahil dinala niya ako sa ospital. Natuwa ako pero mas lumamang ang lungkot sa akin dahil inisip ko na hindi ko ito mabibigyan ng buong pamilya. Dahil sa mga nalaman ko no'ng araw na 'yun, kinaawaan ko ang anak ko dahil sa eksenang nakita ko sa restaurant. At dahil do'n, nagdesisyon akong umalis ng bansa.

Tinulungan ako ni Ransford na i-settle ang lahat. Pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko kay RK dahil wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Sakit na nagtulak sa akin upang itago ko ang anak namin tapos ngayon... ito na ang nangyari. Hindi naman pala niya raw totoong anak si Sadie pero ano 'yung nakita kong DNA test report sa mesa niya? Hindi ba 'yun totoo? At bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?

Dahil sa mga bumabagabag sa akin, hindi ako nakatulog ng ilang araw. Paulit-ulit kong inisip ang bagay na 'yun hanggang sa nagdesisyon akong sundin ang suhestiyon ni Rhydian na kausapin si RK tungkol do'n. Mabuti na lang at napapayag ko siya kahit na alam kong abala rin siya sa kompanya niya.

Sa Eastwood kami nagkita dahil doon malapit ang trabaho ko at hindi naman malayo sa Pasig. Napaayos ako ng upo nang makita ko na siyang papalapit sa mesa na ni-reserve ko para sa amin. Hindi gaya ng madalas niyang suot na casual blazer coat at slacks, naka-fitted long sleeve polo lang siya ngayon na kulay maroon at nakatupi hanggang siko, bukas ang unang tatlong butones. Khaki skinny jeans naman ang pang-ibaba niya na may black belt at black boots. May itim na relo sa bisig at silver dogtag.

Napaawang nang bahagya ang bibig ko sa pormahan niya ngayon. Alam ko namang guwapo talaga siya at maporma na noon pa man pero mas lalo naman yata ngayon o... ako lang ba 'yun? Dahil matagal ko na siyang hindi nakita.

Gano'n pa rin ang ayos ng buhok niya. Malinis, maiksi at may undercut na nakahati ng 3/4. Makinis at tisoy pa rin. At higit sa lahat, ang pinakagusto ay ang sobrang bango niya. Humalimuyak agad ang bango niya nang kaswal siyang maghila ng upuan sa tapat ko at matamang tumingin sa akin.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na rason. Tingin ko normal ko na 'yun tuwing magkasama kami.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin nang hindi ko makayanan ang intensidad ng malamig niyang mga mata sa akin. Kung meron mang nagbago sa kanya, 'yun ay 'yung mga mata niya na wala nang buhay at kasing lamig ng yelo. Para na lang siyang robot na nakatingin sa isang walang kwentang bagay. Ganito rin siya noon. No'ng...unang magkita kami bilang professionals. No'ng...nasaktan ko na naman siya.

"Uh, salamat sa pagpunta," panimula ko at sinulyapan siya ng isang beses.

Nag aaway na naman ang mga daliri ko sa ibabaw ng mesa. Tensyunado na naman ako dahil sa paraan ng paninitig niya sa akin.

"Pasensya na kung na kung biglaan." Sinulyapan ko siya. "Nabanggit kasi sa akin ni Rhydian...'y-'yung tungkol sa...ibang pamilya mo. N-Na akala meron. At...nandito ako dahil gusto kong malaman ang totoo."

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon