Kabanata 20

294 5 3
                                    


"Aba...mukhang may matino tayong nakausap kagabi ah? Hindi usap-lasing lang." Tumawa si Corrine nang mapansin ang paperbag na nakapatong sa mesa ko.

Kababalik lang naming dalawa mula sa coffee break. Nilibre niya kasi ako ng frappe sa Starbucks.

Sabay naming nilapitan 'yung paperbag at kuryosong tinignan.

"Kanino kaya galing 'yan? Kay Drake o kay Leon?" kuryosong tanong niya sabay silip sa loob.

Sinilip ko rin 'yon at nakita kong may dalawang tub na black pero transparent ang takip. Kaya kitang-kita ang hamog sa loob na halatang bagong luto ang...

"Siomai?" gulat na utas ni Corrine bago kami nagkatinginan.

Natawa siya nang mahina at sabay uli kaming sumilip do'n. Siomai nga ang laman no'n. Mainit-init pang siomai.

"Naks naman. Nasaan na ba 'yung mga ungas na 'yun?" Iginala niya ang paningin bago umupo sa office chair niya.

Hindi naman maalis ang mga mata ko sa laman ng paperbag. Bigla tuloy akong nagutom. Parang gusto ko nang maunang maglunch. hehe. Pero paano nga ba nalaman ng dalawa na paborito ko 'to? Coincidence lang ba?

Saktong babalik na kami sa trabaho nang sunod-sunod na pumasok na ang iba pa naming kasamahan.

"Uy Drake, ikaw ba nagbigay ng siomai kay Brea?" nakangising tanong agad ni Corrine nang akmang uupo na si Drake sa cubicle niya.

Sinulyapan ko naman siya at nagkatinginan kami.

"Siomai?" Nakapamot siya sa pisngi. "Wala naman akong...ibinibigay."

Nagkatinginan kami ni Corrine.

"Oh? Baka si Leon." Humalakhak si Corrine. "Mukhang seryoso nga ang isang 'yon ah."

Sinulyapan ni Drake ang paperbag sa mesa bago napahimas sa batok.

"Ikaw Drake usap lasing lang." Naiiling at nangingiting nag-tsk si Corrine bago minapula ang computer niya.

Nagkatinginan uli kami ni Drake.

"Nagtanong lang naman ako Corrine, ikaw talaga," nahihiyang sambit niya bago umupo.

"Sus...wala naman ding masama kasi parehas naman kayong single," natatawang dagdag ni Corrine.

Hindi na nagsalita si Drake at napahimas na lang sa ulo bago niya 'yon kinamot. Nagkibit balikat na lang din ako at itinabi na ang paperbag para sa lunch. Sakto namang dumaan si RK at ang 'yung secretary niya na tinawag niyang Harvey nang makaupo ako. Sinulyapan niya ako ng isang beses bago dumiretso sa opisina niya.

Napatulala ako sa pinto niya at biglang nagbalik sa akin ang alaala ng mga nangyari kagabi. Wala kaming imik sa buong biyahe hanggang sa maihatid nga niya ako sa condo ko. Gusto kong magtaka sa ginawa niya at ayaw ko sanang bigyan 'yon ng ibang kahulugan kaya lang hindi ko maiwasan.

Bakit nga ba niya ginawa 'yun? Dahil ba nag-aalala siya na baka maikama ako ng kung sino? Concerned siya gano'n? E hindi ba't galit naman siya sa akin kaya anong pakialam niya? Bakit siya concerned?

Ipinilig ko ang ulo at ibinalik sa screen ang mga mata. Mas gusto kong isiping concern siya sa akin dahil empleyado niya ako at...hindi dahil may past kami o...sa iba pang bagay.

Sumapit ang lunch at nagkanya-kanya na kaming inat ng katawan. Tinanaw ko ang paperbag sa gilid ko at matamis na ngumisi. Nang dumaan si Leon ay agad ko siyang tinawag.

"Uy Leon, thank you dito ah?" Matamis akong ngumisi sabay yakap sa paperbag.

Napahinto siya at takang lumingon sa akin. "Saan?"

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon