Kabanata 6

290 6 8
                                    


"Brea! Hindi ka pa ba tapos d'yan? Halika na. Nand'yan na ang sundo." Katok ni Inang sa labas ng kwarto ko.

"Sandali lang po 'nang!" sigaw ko pabalik at inisa-isang chi-neck ang gamit kung mayroon pa akong nakalimutan.

Bukas na ang kasal ni ate Axelle at kailangan na namin lumuwas ngayon ng Maynila. Nakapagpaalam na rin ako sa school na aabsent ng dalawang araw para sa kasal ng ate ko. At noong nakaraan, nasukatan na rin kami ng damit.

Nagulat ako sa mabilis na pagplano ng kanilang kasal. Ang akala ko isang buwan o dalawang buwan ang aabutin pero dalawang linggo lang ang lumipas.

Lumabas na ako ng kwarto makalipas ang ilang sandali dala ang isang duffel bag. Sa sala, inip na naghihintay ang mag-asawa. Nakasimangot na bumuntonghininga si Amang at nagpatiuna nang lumabas. Tinignan ko naman si Inang na may dala ring bag.

"Halika na 'nak. Naghihintay na ang pamilya Alfaro sa atin."

Tumango ako at sabay kaming lumabas. Isang itim at makinang na kotse ang naghihintay sa amin sa labas na galing pa sa Maynila. Galing sa pamilya ni Sanjay. Pinasundo na nila kami para daw less hassle. Hindi na rin umangal si Amang at parang sinasabing "dapat lang" dahil sila itong may kaya sa buhay.

Ilang oras din ang naging biyahe namin hanggang sa pumasok kami sa isang malaking subdivision na puro mayayaman ang nakatira. Makikita kasi rito ang mga malalaking kabahayan at halatang milyones ang halaga. Huminto at bumusina ang sasakyan namin sa isang malaking gate sa pinakadulo. Agad namang binuksan 'yon ng mga kasambahay at pumasok ang kotse sa loob.

Sa labas pa lang ng bahay, halata nang sobrang yaman ng nakatira rito dahil sa laki at moderno nitong arkitekto. May dalawang palapag ito at karamihan sa dingding nito ay salamin. May malinis at malawak na garden sa harap at likod at malawak din na lanai.

"Pasok kayo." Nakangiting inanyayahan kami ni Mrs. Alfaro sa loob.

Kung maganda na sa labas, mas lalo sa loob. Malawak, maliwanag at napakabango. At halos lahat ng kagamitan dito ay nagmumura ng karangyaan.

"Sandali at tawagin ko lang si Axelle sa kwarto niya," paalam ni Mrs. Alfaro at umakyat sa enggrandeng hagdanan.

"Grabe... iba na talaga ang bigtime," namamanghang bulong ko habang iginagala ang paningin.

"Maupo muna kayo." Iminuwestra ng isang matandang babae na palagay ko'y mayordoma ang malawak na tanggapan.

"Maraming salamat," tugon ni Inang at saka kami umupo.

Maya-maya pa'y bumaba na nang sabay sina ate Axelle at Mrs. Alfaro. Yumakap siya sa amin na parang sabik na sabik. Ipinaghanda kami ng meryenda at nagkwentuhan tungkol sa magiging takbo ng kasal.

"We'll going to do the wedding rehearsals later." Si Mrs. Alfaro na magaang ngumiti.

Actually, kahit ngayon ko pa lang ito nakilala, nakikita ko na na mabuti siyang maybahay. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya lalo na kapag kausap niya ang ate ko. At sa maiksing panahon naman na namalagi si ate rito sa puder nila, palagi naman niyang binabanggit sa amin na napakabuti ng magiging in-laws niya kaya napanatag na rin ako.

Naikwento niya rin minsan sa akin na ang ama pala ni Sanjay ay ang dating drummer ng isang sikat na banda noon na Ground Zero. Si Mr. Claude Alfaro. Hindi ako masiyadong mahilig sa banda pero napapakinggan ko nga ang music nila sa YouTube. At talagang napa-wow na lang ako nang malaman ko ang bagay na 'yon. Kaya pala saksakan ng guwapo ang animal. Bukod sa maganda ang ina niya, guwapo rin ang ama.

"Uhm... p'wede ho ako magbanyo?" nakangiting tanong ko kay Mrs. Alfaro sa gitna ng usapan.

Tinignan naman ako nang makahulugan ni Inang na parang sinasabing mahiya ka naman, nasa gitna tayo ng usapan.

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon