Kabanata 5

287 8 10
                                    


Late na ako pumasok sa eskwelahan kinabukasan dahil hinintay ko pa na magising si ate Axelle para sana magpaalam. Kaya lang, masiyado yatang napagod nang husto ang kapatid ko at hindi pa siya gising nang umalis ako. Ang sabi kasi ni Inang, ngayon ang alis niya pabalik ng Maynila. Susunduin daw siya ni Sanjay at doon na titira sa mansyon nila sa Quezon city. Sa pamilya Alfaro.

Napabuntonghininga ako at humigpit ang hawak sa magkabilang strap ng backpack ko. Tinatahak ko ang daan patungong classroom nang may mangilan-ngilang nagbubulungan sa paligid at napapatingin sa akin.

Lumikot ang mga mata ko para isa-isa silang tignan. Bakas ang panunuya at pandidiri sa mga mukha nila kasabay ng paghagod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Buntis?"

"Hindi. 'Yung ate niya."

Dinig kong bulungan ng dalawang babae. Napadahan-dahan ako saglit pero sa huli ay bumuntonghininga na lang ako.

Ang bilis kumalat ng balita.

Humabol ako sa unang subject at napagalitan pa dahil sa pagiging late. Hindi ko na 'yon dinamdam dahil sanay na naman ako. Mabilis na natapos ang unang dalawang subject at naghahanda na kaming lumabas para sa snack break.

Hindi na ako nagulat na maging sa klase ay pinag uusapan ako at ang ate ko. Hinila na lang ako palabas nina Evie at Ainhoa matapos kong titigan nang masama ang dalawang babaeng nag uusap tungkol do'n.

"Hay naku! Kahapon mga 'yan ah? Ayaw pa tumigil," nakaismid na sabi ni Evie na naka-angkla sa isa kong braso.

"Kahapon pa?" Nilingon ko siya.

"Oo, girl. Kahapon ka pa pinagchichismisan," si Ainhoa ang sumagot kaya napalingon ako sa kanya.

"Paano naman nila nalaman? E nasa CSU tayo no'ng sabihin ko 'yon. At wala namang masiyadong tao ro'n noon." Umismid ako.

Tumikhim si Ainhoa. "Si Maicah ang nagkalat. Nagbangka siya kaninang umaga sa flag ceremony. 'Di ba, Evie?" Nilingon niya si Evie.

Tipid namang tumango si Evie. Napahinto ako at agad uminit ang ulo ko.

"Mana talaga sa ina ang pukinginang babae," tiim-bagang na usal ko.

Marahas akong kumawala sa dalawa at tumakbo upang sugurin ang babaita.

"Brea!" sabay na sigaw ng dalawa sa likod ko at mabilis na sumunod.

Mabibilis ang naging lakad ko patungo sa classroom nila pero hindi ko na siya naabutan doon. Mabilis akong bumaba ng building, sumunod ang dalawa sa akin.

"Brea, ano'ng binabalak mo?!" natataranta at nag aalalang tanong ni Evie sa gilid ko, sinasabayan ang mabibilis na hakbang ko.

"Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng 'yon!" inis na sambit ko, kuyom na kuyom ang mga kamao.

"Ano?! Brea naman! Ainhoa! Pigilan mo siya!" baling niya rito pero tumawa lang si Ainhoa.

"Hayaan mo siya, girl. Deserve ni Maicah maturuan ng leksyon."

"Ainhoa!" inis na pagtawag ni Evie.

Mas binilisan ko ang lakad at nang mamataan ko siyang nagmemeryenda at nakikipagtawanan sa school grounds kasama ng mga kaklase ay huminto muna ako ng ilang segundo bago mabilis na lumapit.

"Brea!" pagtawag ni Evie.

Tila nabingi na ako at nagdilim ang paningin ko. Mabibilis ang mga naging hakbang ko patungo kay Maicah at wala pang isang segundong hinila ko nang marahas ang buhok niya katulad ng ginawa ko sa nanay niya kahapon!

Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kinakaing chichirya.

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mong ipagkalat ang nangyari sa ate ko!" sigaw ko sabay hampas sa hangin ang ulo niya.

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon