Kabanata 18

395 16 4
                                        

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin habang nakatitig sa isa't isa. Ako na bahagyang nanlalaki ang mga mata at siya na seryoso at malamig tumingin. Hindi ko alam kung kailan niya natutunang tumingin ng ganyan dahil hindi ako sanay. Noon kasi palaging kumikislap ang singkit na mga mata niya at palaging mapaglaro. Ngayon...parang walang buhay.

Doon ko lang napagmasdang maiigi ang kabuuan niya. Talagang guwapo pa rin siya lalo na't naging mas matured na tignan. Halata ang sexy'ng katawan niya kahit na natatakpan ito ng damit. Simple lang naman ang suot niya at hindi sobrang formal pero ang lakas ng dating at nagsusumigaw pa rin ng otoridad. Nangingibabaw pa rin ang bossy na hitsura niya dahil natural na maangat ang hitsura niya sa lahat.

Noon pa man, alam ko na ang bagay na 'yon dahilan ng paglalaway at paghahabol sa kanya ng mga babae. At kahit ako... aaminin kong na-attract ako sa kanya. Kahit no'ng unang beses pa lang naming magkita sa Imus. Hindi ko lang talaga inaasahang magkikita pa kami makalipas ang halos walong taon. At dito pa talaga sa pinagtatrabahuan ko. At ang nakakatawa, kompanya pa pala niya.

Bakit ba kasi hindi ko muna binasa 'yung manual book na binigay ni Corinne?

Gusto kong sampalin ang sarili sa katangahan. Pero gano'n pa man, bakit ako nag-aalala? E hindi ko rin naman alam na siya pala ang CEO. At...trabaho lang naman ang habol ko rito.

"What are you doing here?" pambabasag niya sa mahabang katahimikan.

Kasing lamig ng aircon ang tono niya at kasing dilim ng kurtina niya ang mukha niya. Napakurap ako ng isang beses sa tanong niya. Alam kong hindi naging maganda ang huling alaala naming dalawa pero...naisip ko na somehow baka nakamove on na siya ro'n. Nakalimot na siya.

"I'm asking you," untag niya nang hindi ako makasagot.

Lumabi ako at bahagyang kinabahan. Tatanggalin ba niya ako dahil galit siya sa akin at ayaw niya ako rito?

"Uh...h-hindi ko alam na..." hindi ko makumpleto ang sasabihin dahil sa riin ng titig niya sa akin.

Para bang kasalanan agad ang pagsasalita ko rito sa harap niya.

"Ikaw ang..." napahinto ako at natulala.

Nang hindi ko makayanan ang nakakapasong titig niya ay nagbawi ako ng tingin at tumingin na lang sa magkahawak na mga kamay ko sa harap. Pinag-aaway ko sila dahil kabado ako at hindi ko alam ang sasabihin.

Alam kong matagal nang nangyari 'yon pero knowing na nagalit siya sa akin no'ng araw na 'yon, parang mali na narito ako sa kompanya niya. Parang ang kapal ng mukha kong magtrabaho rito. Pero naisip ko rin na, hindi naman totoo ang paratang niya sa akin kaya bakit ako nagi-guilty? Kung may ika-gi-guilty man ako ay 'yun ay ang hindi ko pagsabi ng totoo sa kanya.

Ngunit mahalaga pa ba 'yon? Matagal nang tapos 'yon. Ilang taon na ang lumipas. At kung sakaling hindi pa niya 'yon nakalimutan kaya ganito ang pagtatanong niya... maiintindihan ko. Intindihin ko since ako naman ang may kasalanan.

Sa huli ay bumuntonghininga ako at nagsalita.

"Magre-resign ako kung ayaw mo ako rito," mahinang sambit ko habang nakatitig sa mga kamay.

"Did I ask you that?"

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Ano raw? E bakit niya tinatanong kung ano'ng ginagawa ko rito? Malamang nagtatrabaho. Kung magkasundo lang sana kami, malamang binara ko na siya pero nakakatakot ang mga titig niya. Ibang-iba sa RK na dati kong nakilala.

"Uh, hindi ko naman talaga alam na...ikaw ang CEO. Unang araw ko palang sa trabaho at...hindi ko pa nababasa ang manual book ng kompanya," marahang paliwanag ko.

"Kaya gano'n ka sumagot sa project manager mo," nakaismid na sabi niya.

Umawang ang mga labi ko. Ang akala ko...nasa side ko siya kanina dahil sa sinabi niya kay Arch. Guerra pero...

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon