"Arch. Almazan, the CEO wants you in his office."Napalingon ako sa harap ko nang sabihin 'yon ni Harvey. Kasalukuyan akong gumagawa ng paperworks na itinambak na naman niya sa akin kaninang umaga at ngayon ipinapatawag na naman niya ako? Kung bibilangin, panglima na 'to. At wala naman siyang ibang sasabibin o gagawin kundi tambakan ako ng trabaho! Ano bang problema niya? Kahapon pa siya ah?
"Sige po." Madilim ang mukha ko nang sumagot kahit na wala namang kasalanan itong sekretarya niya.
Tumango siya bago umalis. Marahas akong napabuga ng hangin at nairita. Ano ba talagang problema niya? Papatayin niya ba ako sa trabaho?
Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Mamaya ko na siya pupuntahan. Paniguradong tatambakan na naman niya ako ng gawain. Tatapusin ko na lang muna itong ipinapagawa niya. Bahala siyang maghintay.
Lumipas ang mga oras at inabala ko ang sarili sa trabaho. Kahit no'ng magcoffee break ay hindi na ako nagkape para lang matapos ko lahat. At nang sa wakas natapos na ako, uminat at humilig ako sa office chair ko at marahang sinayaw-sayaw 'yon.
"Hindi ba't ipinapatawag ka kanina, Brea?" puna ni Corrine habang abala sa pagda-draft.
"Mm. Heto na nga papunta na." Napangiwi ako. "Tinapos ko lang muna ang mga 'to."
Umayos ako ng upo at inayos na ang mga folder sa mesa ko. Tumayo na ako at dumiretso sa opisina niya. Dalawang katok ang ginawa ko bago ko 'yun binuksan. Napahinto ako nang makitang may nakakandong na babae sa kanya sa kanyang swivel chair habang nagtatawanan sila. Napahinto sila at sabay na bumaling sa biglang pagpasok ko. Napakurap naman ako ng isang beses dahil hindi ko inaasahan 'yon.
Talagang wala siyang pinipiling lugar para makipaglandian? Kahit talaga sa public place?
Hindi agad ako nakaimik. Bumalik kasi sa akin ang pakiramdam ng no'ng una ko siyang makitang may ka-sex sa eskwelahan noon. At na-turn off agad ako sa kanya. E ano nga bang aasahan ko? Babaero naman talaga siya.
"Uh, ipinapatawag mo raw ako, sir?" walang emosyong saad ko.
"Kanina pa. Bakit ngayon ka lang?" Pinatayo niya ang babaeng nakaupo sa kandungan niya.
Hindi ko siya kilala pero palagay ko'y modelo dahil sa angking ganda at taas ng height. Mukha rin siyang anak-mayaman. Makinis, maputi, malulusog ang dibdib at matambok ang puwet. Tipo ng mga babaeng gustong-gusto niya. Nginisihan ako ng babae at hinagod pa ng tingin bago maarteng lumabas.
"Tinapos ko muna ang nauna kong trabaho, sir." Malamya pa rin ang tono ko.
"So you're done." Pinagsalikop niya ang mga kamay sa tiyan at dumekwatro. "Next time Arch. Almazan, learn to follow my commands. When I said I want you in my office, oblige immediately. Do you understand?"
"Sa dami ba naman ng ipinapagawa mo sir at may deadlines pa, hindi ko kayang pagsabayin ang mga trabaho. Iisa lang ang katawan ko at puyat pa ako." Hindi ko na napigilang magreklamo.
Sumusobra na kasi siya e.
"So nagrereklamo ka?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi naman sa gano'n-"
"Nakukuha mo ngang maglaan ng oras sa mga lalaki, sa trabaho pa kaya? Hindi ba? Kaya mo ngang pagpuyatan ang pakikipaglandian tapos ang trabaho hindi?" Ngumisi siya nang sarkastiko at may iritasyon.
Biglang nagpantig ang tainga ko sa narinig. Hindi ko lang siya magawang patulan sa mga ginagawa niya sa akin recently pero sumosobra na naman yata siya ngayon?
"Hindi naman masamang lumabas kasama ang mga katrabaho paminsan-minsan, sir. At hindi ako nakikipaglandian. Pakikipagkaibigan ang tawag do'n," mariing sumbat ko. "At sino kaya sa atin ang nakikipaglandian sa oras mismo ng trabaho? Hindi ba't ikaw?"

BINABASA MO ANG
Heartless Boy
Roman d'amourWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...