Kabanata 7

286 6 2
                                    


"Mabuti naman at naisip mong kasali ka pa pala sa grupo." Nakaismid na sinalubong ako ni Keyla sa akin nang dumalo ako ng practice.

Halos isang linggo na ang lumipas matapos ng kasal ni ate Axelle. Nakabalik na ako ng school matapos ang dalawang araw na paalam pero ngayon lang ako dumaan sa studio.

"Pasensiya na. Marami kasi akong hinabol na lessons at nagtutor pa ako sa—"

"Wala akong paki, Brea! Gaya ng sabi ko sa'yo noon, kapag may practice, walang excuse," matigas na sabi niya.

Nilingon ko siya at ang mga kasama naming nakikinig. Daig pa niya ang pari kung makasermon.

"Alam mo naman ang patakaran ko. At aware ka sa usapan natin noon kaya kita pinasa sa audition," tuloy-tuloy na sumbat niya. "Pinalalampas ko ang mga late mo pero 'yung absences na hindi mo pinapaalam sa akin, sumusobra naman na."

Napababa ako ng tingin dahil guilty. Alam ko naman ang pagkukulang ko sa grupo pero may dahilan din naman ako. Nagtu-tutor ako para pandagdag sa allowance.

"Baka gusto mong i-suggest ko sa itaas na tanggalin ka na? Para mawala na 'yang scholarship mo?" taas-kilay na sabi niya.

"Uy 'wag naman." Bigla akong naalarma. "Pangako, hindi na mauulit." Tinaas ko ang isang palad.

Tinitigan niya ako nang mariin at lalong pinaarko ang isang kilay.

"Bumawi ka kung gano'n. May laban ang school sa national competition para sa contemporary dance. Ikaw ang magiging representative."

"Ano?!" gulantang na sambit ko.

Lalong umarko pa ang kilay niya na halos umabot na sa kisame.

"Ayaw mo?"

"Ha? Hindi naman sa...gano'n," marahang sambit ko.

"Si Jase ang napili kong maging kapartner mo sa dance duet. Kayo ang magiging representative ng school," siguradong sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Sino naman si Jase?"

Nginuso ni Keyla ang lalaking nakaupo sa sahig at nakahilig sa may malaking salamin. Nakapatong ang mga siko nito sa magkabilang tuhod at nakatingin sa akin.

"Ipinasok ko pansamantala. Siyempre hindi mo na naman alam dahil palagi kang wala," mapaklang sambit niya.

Ibinalik ko ang tingin kay Keyla nang sabihin niya 'yon. Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi na ako makapalag dahil nanunumbat na siya. Naisip ko tuloy 'yung mga naipangako ko nang tutorial sessions ko sa mga lower grades. Sayang din 'yon e.

"Bukas na magsisimula ang practice niyo. May nagawa na rin akong choreo. Two weeks lang ang meron tayo bago ang nasabing kompetisyon. 'Wag mo kaming bibiguin, Brea," seryosong boses ni Keyla.

Halos umirap ako pero ibinuntonghininga ko na lang.

Marami pang dinada sa akin si Keyla tungkol sa nasabing kompetisyon at talagang umaaasa siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako pa talaga ang napili niya. Dahil pa ba 'to sa mga absences ko o pinepersonal na ako ng babaeng 'to?

Kahit na humupa na rin ang chismis tungkol sa ate ko at sa pamilya ko, alam kong kahit papaano apektado rin sila na kagrupo ko. May isang patakaran kasi na kapag nasangkot kaming mga miyembro sa kahit anong eskandalo, mapapatalsik kami sa grupo at mawawalan ng scholarship. Kahihiyan kasi 'yon sa magandang imahe ng grupo na talagang ipinagmamalaki ng eskwelahan. Kaya ganito na lang ako pagalitan ni Keyla.

Nanahimik na rin si Maicah pagdating sa isyu dahil nabalitaan na rin nilang kinasal na ang ate ko. Nanahimik pero matatalim pa rin ang tingin.

"Nagpagawa kayo ng varsity jacket?" tanong ko kina Evie at Ainhoa nang mapansin ang mga suot nila.

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon