"'Wag ka ngang malikot! Malapit na ako e, ugh! Konting tira na lang!""Ang tigas naman kasi e! Nakikiliti ako."
"Walang ulong malambot, babe. 'Wag ka kasi malikot. Panay ang hawak mo e. Na di-distract ako."
"E kasi naman nakikiliti ako! Ang likot mo e."
"Siyempre kailagan kong gumalaw para makapasok."
"Ang ligalig mo RK, ano ba!"
"Konting tiis na lang, babe. Malapit na! Ugh. Konting tira na lang, mawawasak na 'yung base."
"Aray ko! Masakit na!"
"Sige push pa! Malapit na ayan!"
"Tangina naman e!"
"Bibig mo. Hahalikan ko 'yan."
"E kasi naman tumayo ka na kasi!"
"Malapit na ako ugh! Sige tira pa!"
"RK!"
"Yeah!"
Napahiyaw si RK at napabangon mula sa kandungan ko.
Tangina. Ang likot niya maglaro. Kanina pa siya nakahigang nag-e-ML sa kandungan ko at sobrang ligalig. Ang tigas ng ulo niya. Ang sakit tuloy ng mga hita ko.
"Nice game." Ngumisi siya at mabilis na hinalikan ang pisngi ko.
Hinampas ko siya.
"Gago ka. Pinahirapan mo 'ko."
"Stop cursing will you? Kababae mong tao." Hinila niya ang pisngi ko.
Inis ko namang hinawi ang kamay niya.
"Uwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Inang."
Nasa condo niya kasi kami at pinagluto niya ako ng meryenda kanina matapos ang klase ko sa hapon. Tumambay kami sa sala niya at nagsalitan sa paglalaro ng ML. Ganito na madalas ang bonding naming dalawa kapag may oras. Mamamasyal, kakain sa labas o 'di kaya'y dito na lang kami at maglalaro...ng ML.
"One more game?" Ngumisi siya.
Umismid naman ako at naglahad ng palad.
"Ako naman."
"Sure pero classic ka lang ah." Binigay niya ang mamahaling phone niya na mas mahal pa sa bahay namin.
"Oo na. Ang damot mo sa rank. Hindi ko naman ipapatalo e," nakaismid na ungot ko habang minamanipula 'yon.
"I just lost two stars when you played the rank game, babe," naka-poker face na sabi niya.
"This time hindi na nga."
"Nah-uh. Classic ka lang." Umakbay siya sa backrest ng sofa at tinignan ang ginagawa ko.
Umirap ako at napilitang pindutin ang classic button. Nasa matchmaking pa lang ako nang tumunog ang cellphone ko sa bag para sa isang tawag.
"Shit! Baka si Inang na 'yan. Pasuyo nga," tarantang saad ko.
"I said no cursing for you. Ang tigas ng ulo mo," nakaismid na sabi niya habang kinukuha ang bag ko sa gilid ko.
"Gan'to na ako na nakilala mo kaya dapat tanggapin mo."
"Yeah, but can you be a li'l bit feminine? Ang jologs mo. Kaya hindi kita magustuhan e."
"Hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa'yo 'no? At saka sino ba may sabi sa'yong gustuhin mo ako? Unless gusto mong matalo."
"Matagal na akong talo."
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...