A/N: This the last chapter before the epilogue. Thank you so much for reading. Please bear with me until the end. :')⋆✦⋆
When and where do people find the real contentment in life? Is it through fulfilled dreams? Is it through great accomplishments? Is it through living the life one always wanted? Is it through giving, sharing, and spreading kindness? Is it one's passion? Or maybe in love?Yes, we all can find contentment in life and in love. Iyong masaya ka na at gusto mo na lang manatili kung nasaan ka ngayon. Iyong kahit ano'ng mangyari at kahit ano pa man ang dumating na bago sa buhay mo, hindi mo na mapapansin dahil kuntento ka na. Oo, kuntento ka na. Wala nang mahihiling pa dahil masaya ka na.
But as for me, I found the real contentment in love. Because no matter what happens, love is love. Sa buhay, marami pang p'wedeng mangyari. Marami pang p'wedeng mabago. At kahit sabihin nating kuntento na tayo sa buhay natin, mayroon pa ring kulang. And that is the other half. Our other half.
We can't say that we are whole, and that is enough. That is being selfish. Para na rin kasi nating pinagkakaitan ang sarili nating maging masaya. Although some people really enjoy and love being alone, I know there's still a part of them that wishes that someone was there for them. Maybe they're just scared. Scared to be hurt and left behind.
Noon sabi ko sa sarili hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Panira sa pag-aaral at walang ibang idudulot kundi pasakit. Darating lang sa buhay mo upang landiin ka at kapag nakuha ka na, iiwan ka rin sa huli. Papasayahin ka lang saglit tapos lolokohin ka rin sa huli. O 'di kaya'y habang pinapakilig ka niya, may pinapakilig din siyang iba.
Gago, manloloko, babaero, bolero at landi lang habol ang tingin ko sa mga lalaki noon. Sa murang edad, namulat ako sa ganoon dahil marami na akong nasaksihan na ganoon. Itinatak ko sa isip na hindi dapat ako papabitag. Hindi papaloko, hindi papatalo. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, sa mga panahong determinado na akong panindigan ang mga sinabi ko at ipinangako sa sarili, ibinigay niya sa akin ang lalaking hindi ko akalaing mamahalin ko nang husto.
At ito na nga siya... Nasa harapan ko na ang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko habangbuhay.
Ngumiti ako nang magsimula na kamimg maglakad ni Amang sa pasilyo patungo sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo. Naghihintay na makasama ako sa bagong buhay na lalakbayin namin kasama ang nag-iisang anghel ng aming buhay.
Sa tower na pinangalanan niyang RR Tower ginanap ang kasal namin. May espesyal na function hall ito sa pinakamataas na palapag at mula sa loob, tanaw na tanaw ang nakakahugot-hiningang tanawin ng naglalakihang mga gusali sa ibaba dahil sa salaming dingding na nakapalibot nang pabilog. At mas nakatulong na gabi ginanap dahilan ng mas lalong pagkakita ng kaakit-akit na tanawin nito dahil sa mga nagkikislapang ilaw.
Pili at kaunti lang ang mga bisita gaya noong kaarawan ni Rhydian. Malalapit lang na pamilya namin at mga kaibigan pero nagulat ako na inimbitahan din ni RK ang mga dating ka-opisina ko sa LGI na sina Corrine, Leon, Khloe, Mabel, Cove, Jameson at Sir Jeremy. Maging ang sekretarya niyang si Harvey ay naroon din.
Pero ang mas lalong ikinalaglag ng panga ko ay ang pagdating ni Evie na matagal ko nang kaibigan at kasama pa niya ang mga dating kaklase at kaibigan namin no'ng highschool na sina Harlow, Presley, Luca, Emrys, Oceane, Maeve at ang triplets na sina Hunter, Parker at River.
I was overwhelmed. Hindi ko akalaing magkikita-kita pa kaming magkakaibigan dahil matagal nang wala kaming komunikasyon sa isa't isa. Hindi ko naisip na posibleng mangyari 'yon until RK made it possible. He really knows how to make me happy. Even in the smallest things.
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...