Kabanata 10

288 6 0
                                    


"Alam mo, hindi talaga ako naniniwala na kayo ni RK. Imposible kasi girl e," ungot ni Ainhoa habang hinihintay akong magbihis.

Sabado na ngayon at nasa bahay silang dalawa ni Ainhoa. Pinagpaalam nila ako na maki-birthday kuno kay Jase pero ang totoo, simpleng celebration lang 'yon ng parents niya sa kanya sa pagkapanalo namin.

"Kung ayaw niyong maniwala, e 'di don't. At saka, 'wag ka ngang maingay, nand'yan pa si Inang sa sala," saway ko habang nagsisintas ng sapatos.

Pagkatapos kasi ng pagsama ko kay RK no'ng araw na 'yon, hindi na ako tinantanan ng tanong ng dalawa, lalo na si Ainhoa.

"Paano naman kasi naging kayo? E hindi ba hindi mo naman type 'yon?" dagdag na tanong ni Ainhoa na paniguradong nakataas ang isang kilay.

Nagkibit-balikat lang ako. Totoo naman na hindi ko siya type pero kung paano niyang napakabog nang malakas ang dibdib ko no'ng hinalikan niya ako, hindi ko alam.

Halos ilang araw ring hindi ako pinatulog ng eksenang 'yon at paulit-ulit na nag re-replay sa utak ko. Kahit sa school, madalas akong natutulala at 'yong lintik na halik na 'yon ang rumerehistro sa utak ko. Lalo na kapag nakikita ko si RK at ang nakakalokong ngisi niya. Mabuti na lang at medyo busy na siya ngayon sa basketball at eskwela kaya madalang na kaming magkita.

"Feelings change, Ainhoa, ano ka ba?" sabat ni Evie na nag ne-nailcutter sa maliit na study table ko. "At saka, dati ko nang napapansin na type ni RK si Brea, at gano'n din 'tong bunso natin. Halatang crush na niya si RK una pa lang." Bumungisngis siya.

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi nitong si Evie. Pero dahil nga laro lang 'to, hindi na ako kumontra. Kailangang mapaniwala ko sila na gano'n nga.

"Pero babaero ang isang 'yon, girl." pagsalungat ni Ainhoa. "Nakikita niyo naman 'di ba? Kaliwa't kanan ang babae niya."

"Ngayon hindi na," confident na sagot ko at tinapos na ang pagsasapatos.

Tinangala ako ni Ainhoa na nakaupo pa rin sa kama.

"Paano mo naman nasabi aber?"

"Takot lang niyang i-break ko siya." Ngumisi ako ng peke.

Though, hindi ko rin sure kung talagang titigil na 'yon sa pambababae dahil lang sa laro namin. Knowing him, baka hindi rin 'yon makatiis at palihim na lumalabas para maglabas ng init ng katawan.

Kahit na sinabi ko sa kanyang tapos na ang laro once na ginawa niya 'yon at kaakibat no'n ang hindi na namin muling pagkikita. Hindi ko alam kung kakagatin niya 'yon o hindi. Ang gusto ko lang naman mangyari, masukat ang reputasyon niya sa mga babae. Kung talaga bang gano'n na siya o may pag-asa pa siyang magbago. Though kahit ano naman ang kalalabasan, wala na naman akong pakialam do'n. Gusto ko lang malaman kung anong klaseng mga lalaki sila. Sila na mga kaibigan ng asawa ng ate ko.

"Seryoso ka d'yan, Brea? Kilala kita. I know na hindi player ang tipo mo," parang dismayadong sabi ni Ainhoa. "Mas bet ko pa nga 'yung Jase para sa'yo e. He's better."

"Nagbago na ang isip ko. At isa pa, boyfriend pa lang naman e. Hindi ko pa siya aasawahin," natatawang sabi ko. "Tara na, nagugutom na ako."

Isinukbit ko na ang maliit na shoulder bag ko at nagpatiunang lumabas. Sumunod ang dalawa sa akin.

"Oh? Aalis na kayo?" tanong ni Inang sa sala na naghahanda ng paninda niyang kakanin.

"Opo 'nang." Lumapit ako at nagmano.

"'Yung bilin ko Brea, ha? Bawal ang alak at lalaki." Pinandilatan niya ako.

Natawa ako at tumango. "Alis na po kami."

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon