"Hi sir, uh I'm sorry I'm late." Naglahad ako ng kamay sa matandang lalaking ka-meeting ko.
Tumayo naman siya at tinanggap ang kamay ko.
"I'm Arch. Brea Almazan, I'm from LGI, Sir." Nahihiyang ngumiti ako dahil late.
Paano ba naman kasi, matagal bago ako nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa close encounter namin ni RK kanina. Matagal bago na-absorb ng utak ko ang nangyari at hanggang sa ngayon nalulutang pa rin ako. Hindi ako makapaniwalang nakita ko siya!
"Oh...bago ka?" tanong ng matanda habang nakahawak pa rin sa kamay ko.
"Uh, opo. Pasensiya na po talaga kayo," nahihiyang sabi ko.
"It's okay." Ngumiti siya. "I thought it will be Arch. Guerra."
Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko kaya nagpilit ako ng ngiti nang mabilis kong sulyapan 'yon.
"Busy po kasi siya kaya...ako ang pinapunta," marahang sambit ko sabay ngiti.
Tumango siya at inayos saglit ang salamin.
"I'm Facundo Wong. I'm a long-time client of LGI."
Kinakamayan niya pa rin ako at magaang nginingitian. Nawawala ang kulubot na niyang mga mata kapag ginagawa niya 'yon. Palakaibigan ang hitsura niya at tantya ko'y nasa 70's na ang edad.
"Nice to meet you, Mr. Wong." Ngumiti rin ako bago kami nagkanya-kanyang upo.
"What do you want to have, sir?" tanong ko nang magtawag ng waiter.
Itinaas naman niya ang dalawang kamay at nagkibit-balikat.
"Just a brewed coffee will do."
"Two brewed coffee please," sabi ko sa naghihintay na waiter.
Tumango naman ito at saka umalis. Inilabas ko ang laptop ko para masimulan na ang meeting.
"Uh, sorry po pero wala pa akong ideya sa project na 'to dahil hindi na ito na-discuss sa akin. Ano po ba ito?" tanong ko habang nag-aayos ng mga gamit.
"A retirement home." Marahang ngumisi ang matanda.
"Oh! Sige po. Simulan na natin." Ngumiti ako nang matamis.
Sinimulan na nga namin ang discussion tungkol sa project. Hindi na pala ito ang una niyang mansyon na ipapatayo dahil napatayuan na pala niya ng mga mansyon ang mga anak niya at ngayon naman sarili naman niya. Isa palang propesor ang matanda at malapit nang magretiro dahil sa katandaan.
Magaan ang naging diskusyon namin at miminsang nahahaluan ng personal na bagay gaya ng pagkukuwento niya tungkol sa kanyang pamilya. Mataman naman akong nakinig dahil kahit papaano, komportable ako sa kanya. Wala akong lolo na nakasamang lumaki kaya naman na-enjoy ko ang meeting namin. Samahan pa ng palagian niyang paghalakhak dahil sa miminsang jokes ko. Ang gaan ng aura niya at madali lang siyang makasundo.
Minsan nga lang sumasagi sa isip ko ang imahe ni RK kanina kaya minsan kailangan niya pang ulitin ang mga sinasabi niya.
"Are you okay Arch. Almazan?" tanong ng matanda nang mapuna ang kalituhan ko sa diskusyon.
"Uh, yes sir. Pasensya na po. Kulang lang sa tulog," palusot ko.
Natawa siya nang mahina. "Maybe we should resume this on another day, if you really are-"
"Uh no need, sir!" agap ko. "Okay lang po. Kape lang po," natatawang sambit ko bago humigop sa tasa ko.
"Is there something bothering you?" maingat na tanong ng matanda.
"Uh wala naman po." Nagpilit ako ng ngiti habang nagtitipa sa laptop.
"Perhaps...boyfriend?" Ngumisi siya.
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...
