Mas lalo akong hindi pinatulog ng konsensya ko matapos ang usapan naming 'yon ni Ransford. Mas nadagdagan ang guilt at regret na naramdaman ko. Hindi ko lubos maisip na all this time...all this time nariyan lang pala si RK sa paligid namin. For almost seven years, tahimik lang pala siyang nakamasid at nakabantay sa aming mag-ina.Ang akala noon, masuwerte lang ako dahil umayon ang lahat sa plano ko. Pumunta ako ng ibang bansa, tahimik na ipinagbuntis ang anak, nagkatrabaho, nakabili ng condo at na-i-enroll si Rhydian sa isang international school. Ang buong akala ko dala lang 'yun ng suwerte ko sa katawan at sa tulong na rin ni Ransford pero ito ang malalaman ko?
Suminghap ako at muling nagsalin ng wine sa wine glass sa mesa. As usual, mag-isa na naman ako sa condo. Wala si Rhydian at wala si Ransford. Nagpaalam kasi ito sa akin na hindi muna makakadalaw nang madalas dahil abala pa rin sila ng kapatid niya. Mag-isa tuloy ako. Mag-isa sa tahimik, madilim at malamig na condo unit. Pinatay ko lahat ng ilaw at binuksan na lang ang kurtina sa may balkonahe upang makapasok ang liwanag ng buwan. Sa ganoong paraan, kuntento na ako. Hindi pa rin ako nakakarecover sa mga nalaman ko but somehow, maayos ayos naman ako.
Hindi ako depressed. Malungkot lang ako. Iniisip ko kung...naging mas maingat lang ba ako noon sa mga desisyon ko...nasaang phase na kaya kami ngayon? Masaya na kaya kami? Kasal na kaya kami o dalawa na ba ang anak namin? Napangiti ako nang mapait habang marahang inaalog ang wine glass sa kamay ko.
Siguro nga gano'n ang nangyari. Sayang.
Sa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip ko, tumunog ang door bell. Napatingin ako sa gawing 'yon at matagal kong pinagmasdan kaya naman naulit ang pag door bell. Ibinaba ko ang wine glass sa mesa at tumayo. Inayos ko ang silky robe ko at itinali ang ribbon habang naglalakad sa makipot na hallway.
Hindi na ako nag abalang magsindi ng ilaw dahil baka si Ransford lang 'yan at baka nagbago ang isip. Kaya lang nang buksan ko ang pinto, si RK ang tumambad sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya.
Ano'ng ginagawa niya rito? Nang ganitong oras? Alas nuebe na ng gabi pero nadaan pa siya? May...nangyari kaya kay Rhydian?
"B-Bakit?" kabadong tanong ko dahil nagsimula na akong mag-alala para sa anak.
"I'll get some of his clothes. He asked me." Ipinakita niya ang isang itim na duffel bag na hawak pala niya.
Napakurap-kurap ako at napalunok, bahagyang nakahinga nang maluwag. Napabuga ako ng hangin at malawak na binuksan ang pinto.
"Pasok ka." Nagpatiuna na akong maglakad.
Pumasok naman siya at narinig ko ang pagsarado ng pinto at mga yabag niya sa likod ko. Binuksan ko ang mga ilaw at agad nagliwanag ang buong unit. Sinulyapan ko siya ng isang beses at nakitang dumapo ang mga mata niya sa nakalahati ko nang bote ng wine sa mesa.
"Samahan kita sa kwarto niya," pagkuha ko sa atensyon niya dahil nakatitig na siya ro'n.
Nagtagumpay naman ako nang lingunin niya ako pero walang sinabi. Umiwas ako ng tingin at nagpatiuna na lang sa paglalakad habang yakap ko ang sarili. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Rhydian at sumunod naman siya. Binuksan ko ang ilaw at dumiretso sa walk-in closet niya. Nagbukas uli ako ng ilaw ro'n at hinarap si RK na nasa bungad na.
"Kumusta na si Rhydian?" Lumabi ako matapos tanungin 'yon.
Hindi pa kasi natawag ang anak ko sa akin mula kahapon.
"He's fine," malamig at tipid niyang sagot.
Tumango ako at marahang naglakad patungo sa cabinet ng anak ko. Binuksan ko 'yon bago tumingin sa kanya. Nanatili naman ito sa pwesto at matamang nakatingin sa akin ang walang buhay na mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...