Kabanata 12

236 3 1
                                    


"Happy birthday, Ainhoa!"

Kanya-kanyang bati ang mga bisita kay Ainhoa habang papasok kami ni Jase sa bakuran nila. May karaoke na, handa na ang mga mesa at ang mahabang buffet table sa gilid. Animo'y kasal ang okasyon dahil sa dami ng makakain at bisita. Mga kapitbahay, kaklase at kaibigan ni Ainhoa.

"Happy birthday, bes!" Ngumisi ako at iniabot ang maliit na regalo ko sa kanya.

"Thank you, girl." Nakangising tinanggap naman niya ang maliit na paperbag.

"Ganda mo!" Kinalabit ko ang baba niya dahil sa sexy ng suot niyang dress na talagang humapit sa maganda niyang katawan.

Balingkinitan at matangkad kasi ang babaita at suki ng beauty pageants.

"I know, girl." Humalakhak siya.

"Happy birthday, Ainhoa." Si Jase na nag-abot naman din regalo.

"Uy, thanks! Akala ko 'di ka na makakapunta." Tinanggap niya ang regalo.

Napakamot sa leeg si Jase.

"Pi-nost poned ko muna 'yung lakad ko." Tipid siyang ngumisi.

"Taray...thank you ah."

"Nasa'n si Evie?" tanong ko habang iginagala ang paningin.

"Nando'n na sa may exclusive table kasama nina Maeve, Flynn, at Oceane." Nginuso niya ang round table na malapit sa may karaoke.

Kumakanta si Oceane ng hugot song at nang sulyapan ko ang kabilang table na puro lalaki ay nakita kong titig na titig si River sa kanya.

Sigurado akong si River 'yun dahil siya lang naman ang may gusto kay Oceane sa triplets.

"Yung anyong tubig couple na ba?" natutuwang tanong ko kay Ainhoa habang pinagmamasdan sila.

"Hindi yata. E pano? Torpe masiyado 'yang si ilog. Hanggang ligaw tingin lang," natatawang sagot ni Ainhoa.

Napangiwi ako.

"Maupo na kayo ro'n. Asikasuhin ko lang 'yung mga dumarating pa," saad ni Ainhoa bago kami iniwan.

Sabay kaming pumunta ni Jase sa gawi nila. Ako sa table nina Evie, si Jase sa mga lalaki na may malaking Empi lights na sa gitna.

"Oh, nasa'n si boyfie?" tanong ni Evie nang tabihan ko siya.

"Ewan ko ro'n. Hindi siguro makakapunta. Hindi pa kasi umuuwi e," nakangiwing sagot ko.

"Awts. Saklap ah."

"Anyare d'yan kay Oceane? Nagsesenti yata?" tanong ko.

Bumungisngis siya. "Nagpaparinig kay River."

Napangiwi na naman ako.

'Di nagtagal, pumila na kami para makakuha ng pagkain sa buffet table. Siyempre nabusog na naman ako. Pagkatapos naming kumain, nagsalitan sa karaoke ang mga babae at lalaking kaklase namin.

"Shot na, girls!" Naglagay ng isang bucket ng SanMig light si Ainhoa sa gitna ng mesa.

"Juice kami ni Brea, please Ainhoa." Nag puppy eyes si Evie sa kanya.

"Grabe...minsan na nga lang. Ang k-KJ niyo," nakaismid na sabi ni Ainhoa bago umalis.

Natawa si Evie at kinindatan ako.

"Hindi naman nakakalasing 'to e. Try niyo kaya." Si Maeve na nagbukas ng isa.

"Oo nga. Parang tubig lang," pag segunda ni Flynn.

"Demonyo talaga kayo e 'no? Bawal nga." Umismid ako.

Nagtawanan sila.

"Wala namang bawal kung walang makakakita."

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon