"Babe?""Hmm?" Napaangat ako ng tingin kay RK na nasa driver's seat.
Hindi ko namalayang nakahinto na pala kami sa tapat ng tower ng condo ko.
"Are you okay? Kanina pa malalim ang iniisip mo," malumanay niyang tanong.
Nanatili ng ilang segundo ang titig ko sa kanya. Naalala ko na kanina sa opisina halos hindi ako makapagtrabaho nang maayos. Wala akong ginawa kundi titigan ang pintuan ng opisina niya habag naroon 'yung ex niya. Hindi ako mapakali sa upuan. Naiisip ko palang na may milagro silang ginagawa ro'n sa loob ay naninikip na ang dibdib ko. Naalala ko kasi 'yung babaeng kandong-kandong niya no'ng mag-away kami. Hindi ko maiwasang mag-overthink.
"Babe..." Hinawakan niya ang kamay ko sa kandungan.
Napatingin ako ro'n at hinigpitan ang kapit sa kamay niya.
"Bumalik na pala 'yung ex mo?" mapait na tanong ko habang minamasahe ang kamay niya, hindi makatingin.
Hindi siya nagsalita agad, parang naninimbang.
"Yung Ellarie ba 'yun? Ang ganda pala niya." Pilit akong ngumisi sa kanya.
Nanatili ang kalmadong titig niya sa akin bago nagtaas ng kilay.
"Ex?"
"Oo. Hindi ba ex-girlfriend mo siya?" Nakangiti pa rin ako.
"No. I don't do girlfriends remember? Well maliban sa'yo. You are my first and last girlfriend, Brea," kalmanteng sabi niya, nakataas ang isang kilay.
Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Pero sabi nila ex mo 'yun."
"Ex-fling yeah, but never became my girlfriend."
Tinitigan ko siya nang mabuti para kilatisin kung nagsasabi ba siya ng totoo. Honestly wala naman akong problema ro'n, hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit nagiging big deal na sa akin ang mga naging past niya sa babae. Kahit pa fling o fuck buddy 'yan. The fact kasi na may physical affair sila dati, hindi ko maiwasang mangamba na baka...bumalik 'yung gano'ng relasyon nila.
"Ang sabi pa nila...two or three years daw kayo noon. Fling pa rin ba 'yun?" Hindi ko na naitago ang pait sa boses ko, tumigil na rin sa paglalaro ang kamay ko sa kamay niya.
"She goes to my office every now and then before, so they probably thought that way. It lasted long because she's also a client. We had a project before that's why."
Nanatili ang titig ko sa kanya ng ilang segundo bago ako tumingin sa labas ng bintana.
"Why? Are you jealous? That's why your mind is wandering everywhere?" Hinila niya ang kamay kong hawak niya.
"Hindi ah-"
"I love you."
Napabaling agad ako sa kanya nang putulin niya ako ng mga salitang 'yon. Seryoso na ngayon ang mukha niya na matamang nakatingin sa akin.
"I know that I had a very bad and dirty reputation towards women in the past, and I can't blame you if you overthink things. But I can assure you that everything's different now, babe. I'm not the same heartless jerk anymore. I've changed since I met you. Believe me when I say I love you. I really mean it."
Natigilan ako nang matindi at napatulala sa kanya. Hindi ko akalaing... sasabihin niya ang mga ito sa akin ngayon.
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at mariing tumitig sa mga mata ko.
"I won't force you if you won't believe me. All I can do is to assure you that I only love you. Ikaw lang ang babae sa buhay ko maliban sa nanay ko siyempre. Ikaw lang, Brea," mahinang sambit niya.

BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomansaWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...