"Brea? Brea anak hindi ka ba papasok? Mahuhuli ka na sa klase mo."Marahan akong nagmulat at tumitig sa kisame. Umaga na at medyo mataas na ang araw sa labas pero heto pa rin ako at nakahiga, tulala sa kawalan. Parang pagkatapos ng lahat ng nangyari kahapon ay nawalan na ako ng ganang pumasok. Hindi lang dahil sa pambubully sa akin kundi dahil sa mga sinabi ni RK sa akin.
Minahal niya ako. Hindi ako makapaniwala. At ngayon...kinamumuhian na niya ako dahil sa nangyari. Maduming babae na ang tingin niya sa akin at nagsisisi na siyang minahal niya ako.
Ang bigat ng puso ko. Sa sobrang bigat hindi ako makabangon. Nasasaktan ako dahil alam ko sa sarili kong...minahal ko na rin siya. Nang tapat at totoo. Alam kong bata pa ako at hindi ko pa alam kung pagmamahal na bang maituturing ang nararamdaman ko pero the fact na nasasaktan ako...alam ko...totoo na 'to. Talagang umiibig na ako sa unang pagkakataon.
"Brea! Gumising ka na d'yan dahil mahuhuli ka na." Patuloy sa pagkatok si Inang.
Pinunasan ko ang munting luhang lumandas sa pisngi ko at marahang bumangon.
"Brea?"
"Babangon na," nanghihinang tugon ko at bumuntonghininga.
Pumasok pa rin ako sa eskwelahan kahit na nasa akin na naman ang mapaghusgang tingin. Napahinto ako sa marahang paglalakad nang matamaan ang ulo ko ng bulok na itlog. Napapikit ako at kinuyom ang mga kamao.
Nagsisimula na naman sila.
Bumuntonghininga ako at naglabas ng panyo pero nahinto nang may tumama ulit. Sa sentido naman. Umugong ang tawanan nang dumausdos ang mabahong itlog sa uniporme ko.
Ano na naman kayang idadahilan ko kay Inang sa may mantsang uniporme mamaya? Hay...ang malas ko naman.
Tumawa ang isang babae habang nagpupunas ako ng damit.
"Ang bango naman ng perfume mo? Bagay sa'yo. Malansa." Tumawa si Maicah habang nakahalukipkip sa gilid ko.
Hindi ko na siya sinulyapan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero nahila niya pa rin ang buhok ko.
"'Wag kang bastos kapag kinakausap kita!"
Napahiyaw ako sa sakit ng pagkakahila niya sa buhok ko. "Bitiwan mo nga ako! Hindi mo ba talaga ako titigilan?!"
Hawak-hawak ko ang kamay niya na makapit na humihila sa buhok ko. Inilapit niya ang mukha sa akin.
"Hindi talaga kita titigilan hangga't hindi ka napapatalsik dito!" mariing sambit niya.
"Magkamatayan muna tayo bago mo ako mapatalsik dito!" sigaw ko sa inis.
Padarag niyang hinambalos ang ulo ko sa hangin bago niya muling kinuha.
"Kung gano'n, magdusa ka. Hindi kita titigilan. Magdusa ka hanggang gru-ma-duate ka!"
Habang nakataas ang ulo ko at sabu-sabunot niya, nahagip ng tingin ko si Jase na nakatingin sa amin sa malayo. Nabuhayan ako bigla ng pag-asa pero gumuho 'yon nang tumalikod na siya at naglakad palayo.
"Sandali, Jase!" sigaw ko at pilit kumawala kay Maicah.
Ayaw pa akong bitawan ng gaga kaya napilitan akong tuhurin siya. Napadaing siya at nasapo ang sikmura kaya nakawala ako.
"Jase!" muling pagtawag ko.
Dahil sa rahan ng lakad niya ay naabutan ko siya at hinarang.
"Jase mag-usap tayo!" desperadang pakiusap ko.
Deretso at seryoso niya akong tinignan.
"Ano'ng nangyari no'ng gabing 'yon? Sabihin mo sa akin kung anong totoong nangyari."
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...