Kabanata 16

242 5 0
                                    


"Ano'ng meron, Gracelyn?" tanong ko sa kapwa ko architect nang dumating ako sa opisina.

Parang naghahanda kasi ang lahat. Nakatayo at wala sa kani-kanilang cubicle.

"May important meeting daw."

Nilapag ko ang kabibili ko lang na kape sa mesa ko at tumingin sa entrada nang pumasok ang mid 40's na lalaking Presidente ng kompanya. Tumayo ito sa harapan at isa-isa kaming tinignan.

Bumuntonghininga muna ito bago nagsalita.

"I'm sorry. Talagang kailangan kong magbawas. Wala na tayong pumapasok na projects kaya naman nagdesisyon akong magbawas na ng empleyado bago pa man tayo tuluyang bumagsak."

Nagsinghapan ang mga empleyado at maging ako napaawang ang mga labi. Naabisuhan na kami ng balitang ito ilang buwan pa lang ang lumilipas pero hindi ko akalaing lalala pa 'yon. At kabado ako kasi isa ako sa mga baguhan.

"I-aanunsyo ng sekratarya ko ang mga matatanggal. Again, I'm so sorry," naiiling na sambit nito bago kami nilayasan.

Kanya-kanyang bulungan ang mga empleyado matapos umalis ng presidente. May mga gaya kong kabado at may mga kampante rin naman. 'Yun 'yung matatagal na sa kompanya.

Tama nga ang kutob ko nang tawagin ang pangalan ko. Bago pa lang kasi ako e. Six months pa lang ako sa trabaho kaya hindi na nakapagtataka 'yon.

Lupaypay ang balikat ko habang nagliligpit ng mga gamit sa maliit na kahon. Kung mamalasin ka nga naman. Kasisimula ko pa lang, tanggal na agad.

"Ang malas nating mga baguhan," ungot ni Gracelyn na pareho ko ring natanggal at nagliligpit na rin ng gamit.

Sinulyapan ko lang siya ng isang beses. "Gano'n talaga. 'Di bale, marami pa naman siguro d'yan."

"Oo nga, ang lawak kaya ng Manila. I'm sure marami pa d'yan," singit ni Joury, isa rin sa natanggal.

Napabuga na lang ako ng hangin at tinapos ang ginagawa. Nauna nang lumabas ang dalawa at nahuli naman ako dahil mas marami akong gamit, dalawang kahon ang bitbit ko plus ang sling bag at laptop ko pa.

"Brea!" pagtawag ni Gracelyn.

Napalingon ako sa kanya. Hinihintay pala nila ako sa may lobby. Lumakad ako patungo sa kanila at sabay-sabay na kaming lumabas ng building bitbit ang mga kahon.

"Gusto mong sumama sa amin ni Joury? Apply kami sa lades," nakangiting aniya.

"Lades?" ulit ko.

"Oo. Hindi mo alam 'yung lades?" takang tanong niya.

Umiling naman ako.

"Oo nga pala, bago ka lang pala dito sa Manila." Natawa siya nang mahina. "Isang malaking architectural and engineering firm 'yun sa Pasig. Try natin mag-apply gusto mo? For sure malaki ang pasahod do'n."

"Malaki nga pero baka mahirapan tayo," nakangusong sabat naman ni Joury.

"Try lang natin! Malay mo makuha 'di ba? Oh ano, Brea?" Bumaling si Gracelyn sa akin.

Tumango ako at ngumisi.

"Sige, try natin."

'Yun ang pinag-usapan namin bago naghiwalay ng daan. Napabuntonghininga ako at napapunas sa lumandas na pawis sa noo ko matapos ibaba ang mga gamit ko sa maliit na sala. Namaywang ako at pinasadahan ng tingin ang paligid. Dahil wala na nga akong tabaho, nagdesisyon akong maglinis kahit na ginawa ko na 'yun kagabi. Baka kasi bigla na lang akong mapalipat.

"Umalis ka na sa trabaho mo?" tanong ng landlady nang makita akong naglabas ng basura.

"Ah natanggal ho. Nagbawas kasi ng empleyado." Nagpilit ako ng ngiti.

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon