Sumunod ako kay Mrs. Manipon sa Principal's office at sa loob nakasimangot agad ang babaeng Principal sa akin."Maupo ka." Nakaismid na iminuwestra niya ang upuan sa harap.
Kabado naman akong lumunok at nag alangang sumunod. Umupo rin si Mrs. Manipon sa harap ko.
"Alam mo na naman siguro ang kumakalat na viral photos mo ngayon sa online community? Can you explain what's going on, Ms. Almazan?" panimula ng Principal.
Napalunok ako. "H-Hindi ko po alam."
"Ano?"
"Ma'am, w-wala po akong alam sa mga 'yon," nababahalang sabi ko.
Tinaasan ako ng kilay ng matanda.
"So you're saying that you're not the person in the photos?"
Nakagat ko ang labi ko at bahagyang napayuko.
"A-Ako po 'yun. Aminado naman po ako."
"So? What are you trying to say? Bakit sinasabi mong wala kang alam?"
Sinulyapan ko siya. "Wala po talaga akong alam. Wala po akong malay no'ng mangyari 'yon!"
Lalong tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, halatang ayaw akong paniwalaan.
"Do you know what would be the consequences of what you did?"
Kinabahan ako.
"Those photos are very disturbing, Ms. Almazan. If this leaks out, the reputation of our school will get ruined. Ano na lang ang sasabibin ng mga magulang at tao sa labas? Na pakawala ang mga estudyante rito?"
Napababa ako ng tingin at tinanggap lahat.
"Matanda ka na. You should be more careful and responsible with your actions. Hindi p'wedeng 'pag may ginusto kang bagay e gagawin mo na at hindi na iisipin ang mga bagay na maapektuhan mo tulad ng eskwelahan na pinapasukan mo. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya ang mga nangyayari." Dismayadong nasapo ng ginang ang noo niya.
"We need to fix this as soon as possible. Dahil kung hindi, madadamay ang pangalan ng eskwelahan natin."
"Nabura na po ang nasabing mga litrato at na-block at naireport na ang anonymous user na nag upload no'n," sabat ni Mrs. Manipon.
"That's not enough, Mrs. Manipon. We need to trace that user. He or she should be responsible of this scandal too!" pagalit na sumbat ng Principal.
"And you Ms. Almazan, I need to talk to your parents." Bumaling siya sa akin.
Namilog ang mg mata ko at umiling.
"Wag na po! Please ma'am, 'wag niyo na pong ipatawag ang parents ko," pakiusap ko.
"And why not? You are their responsibility too. Hindi ka dapat nila hinahayaang gumawa ng gano'n bagay Ms. Almazan!"
"Nakikiusap po ako, ma'am. Please po... aayusin ko na lang po ito." Halos lumuhod ako sa harap niya.
Hindi p'wede. Hindi p'wedeng malaman ito ng mga magulang ko!
"And how will you be able to do that, huh? How will you be able to stop the students talk about you? Nasisira na ang pangalan mo, Ms. Almazan. You are being ruined!" mariing sambit niya.
"Sorry po. Aayusin ko po ito, pangako. Aalamin ko po ang totoong nangyari." Pinagkiskis ko ang mga palad ko sa desperasyon.
Paniguradong papatayin ako ni amang kapag nalaman niya 'to!
Natahimik sandali ang matanda at tumaas ang noo.
"This scandal is alarming, Ms. Almazan. And this school doesn't tolerate this kind of scandalous scene. You should do something about this issue or else...I will personally talk to your parents. Or worse? You'll get expelled."

BINABASA MO ANG
Heartless Boy
Roman d'amourWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...