"Uy girl? Ayos ka lang? Para kang zombie d'yan. Laki ng eyebags mo. P'wede na ibenta." Si Ainhoa na nag ma-mascarra ang pumuna sa akin.Nakahiga kasi ang ulo ko sa desk at nakatanga sa kawalan. Mabuti na lang at wala ang teacher namin sa unang subject kaya nakakaganto ako.
Hindi ko na sinagot si Ainhoa dahil wala ako sa hulog ngayon. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari sa bahay. Masiyadong malaking pasabog ang natuklasan ko at hindi kinaya ng utak ko.
Si Ate Axelle. Bakit niya nagawa 'yon?
Malaki ang tiwala namin sa kanya dahil alam naming matalino siya at kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mga taga-Maynila pero bakit sa gano'n humantong ang lahat? Saan nagkulang ng paalala ang mga magulang namin?
Sa totoo lang, wala akong nakikitang pagkukulang sa kanila pero marahil siguro ito ang itinakdang mangyari. Umibig ang kapatid ko at hindi na nakapagpigil.
Napapikit ako sa isiping 'yon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Minsan pag-ibig ang sumisira sa buhay ng isang tao. Hindi lang buhay kundi pati pangarap. Maling pag-ibig. Maling-mali.
"Patingin nga 'yung laptop na nabili mo Brea." Si Evie nang matapos kaming mag lunch.
"Iniwan ko sa bahay," nababagot na sambit ko.
Wala talaga ako sa mood pumasok ngayon pero kailangan. Ending, naging lutang ako sa mga klase.
"May problema ba? Kanina pa ganyan ang mood mo ah?" tanong uli ni Evie.
Umiling lang ako habang naglalakad nang marahan at nakatitig sa lupa.
"Nood tayo practice, girls!" suhestiyon ni Ainhoa.
"Sige!" Ikinawit agad ni Evie ang kamay niya sa braso ko. "Para malibang naman 'tong bunso natin," pang aasar niya.
Gusto ko siyang paikutan ng mata pero nawalan na ako ng lakas. Sumama na lang ako sa kanila para malibang at makalimutan pansamantala ang problema sa bahay.
Nasa gate pa lang kami ng CSU nang mamataan ng malinaw na mga mata ni Ainhoa si RK na may kausap na isang lalaki.
"Oh my gosh! Ang guwapo rin! Kapatid kaya niya 'yan o kaibigan?" palatak ni Ainhoa na walang pakundangang sumisipat sa mga ito.
Tamad na tinignan ko naman ang mga ito. Nakahilig sa kanyang kulay asul na sasakyan ang nasabing lalaki na mukhang hindi taga rito. Base kase sa hitsura at pananamit, mukhang mayaman. At mukha rin silang magkasing edad ni RK. Magkasing tangkad din at parehong may hitsura.
"OMG! He's so hot!" sunod-sunod na palatak ni Ainhoa nang makalapit na kami.
Naglalakad kami sa likuran ni RK na abala sa pakikipagtawanan dito. Umismid ako at bumaling na lang sa harap.
"What the fuck, Sanjay?" natatawang asik ni RK kaya kusang napahinto ang mga paa ko.
Nagtatakang napahinto at napatingin sa akin si Evie, ganoon din si Ainhoa.
"Bakit Brea?" tanong ni Evie.
Sanjay?
Sinulyapan ko ang lalaking kausap ni RK. Naka-aviators ito ng itim kaya hindi ko makita ang mga mata niya pero hindi maikakailang guwapo nga siya. Tisoy at kulot ang kulay brown na buhok. Matangos ang ilong, natural na mapula ang mga labi at lumilitaw ang isang dimple niya kapag tumatawa. Pero hindi ito ang tamang panahon upang pumuri ng lalaki. Kumuyom ang mga kamao ko at walang pasubaling lumapit sa dalawa.
"Brea!" pagtawag ni Evie pero tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa huminto ako sa gilid nila.
"Sanjay? Ikaw si Sanjay Alfaro?" seryosong tanong ko nang tingalain ko ito.
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
Любовные романыWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...