Maingay at sunod sunod na dagundong ng malalaking drums at hiyawan ng mga estudyante ang sumasakop sa tainga ko habang gumagala ako at naghahanap ng kapustahan sa basketball.
CSU Tigers VS AUP Wolves.
Sa isang sports complex sa Imus ginanap ang final game ng dalawang unibersidad. Mahigpit nang magkalaban ang CSU at AUP noon pa man at walang gustong magpatalo kaya naman dinumog ito.
"Tigers ako," sabi ng kaibigan kong si Harlow matapos kong kalabitin.
"Kano?" tanong ko.
"Wanpayb." Ngisi niya.
Napangisi rin ako nang palihim.
"Call."
Kinalabit ko rin si Atlas na nasa harap ko.
"Tigers ka 'di ba? Oh ano bet?"
"Ge. 500." Sumenyas siya sa kamay.
Ngumisi uli ako. Tumayo ako at hinanap ang ER triplets na kaklase ko na alam kong loyal sa CSU kaso 'yong dalawa lang ang nahanap ko. Alam ko kasing solid Tigers ang mga 'yon.
"Hunter wanna bet?" Kinalabit ko siya sabay ngisi.
Naka-poker face naman niya akong hinarap.
"Parker not Hunter." Sumimangot siya sa akin.
Napatawa ako nang mahina. E kasi naman napaka-identical nilang tatlo. Parang clone niya ang mga kapatid niya. Wala kang mahahanap na pagkakaiba nila kaya kahit sino malilito.
"Okay Parker. Ano?"
Bahagya naman siyang napaisip.
"Sige 1K."
Napangisi ako bago bumaling sa katabi niya.
"Hoy River, ano bet?" Dinungaw ko pa sya.
Busy kasi sa pag e-ML ang lalaki.
"Ge ba. 2k ako," aniya nang 'di tumitingin. "And it's Hunter not River."
Natampal ko ang noo ko. Mali na naman. So si River ang wala sa kanila.
"Okay, nasa'n ba si Ilog?"
Sabay na nagkibit-balikat ang dalawa bilang tugon. Nagkibit balikat na rin lang ako bago umalis. Pabalik ako sa upuan nang makasalubong ko si Presley na naghahanap ng pwesto.
"Hoy Presley! Tigers ka?" masayang salubong ko.
"Nope. Wolves ako bakit?"
Bumagsak ang balikat ko.
"Makikipusta sana ako." Sumimangot ako.
"Bakit Wolves ka rin?" nanunuyang tanong niya.
"Obvious ba? Kaya nga nagtatanong ako e."
"Uy Wolves kayo?" tanong ng kadarating lang na si Luca, tropa ko ring lalaki.
"Oo, Tigers ka?" tanong ko agad.
"Oo. Syempre loyal 'to." Ngumisi siya nang nakakaloko.
Nagningning agad ang mga mata ko.
"Wanna bet?"
"Ge ba."
"Kano?"
Ngumisi siya. "500. Pang ML lang."
"Call," sabi ko agad.
Naghiyawan ang lahat nang isa-isa nang dumating ang magkabilang kuponan. Umupo na uli ako sa upuan ko.
"Nas'an na ang meryenda?" tanong ng kaibigan kong si Ainhoa.
"Ay oo nga pala." Napakamot ako sa kilay.
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...