Kabanata 25

275 6 2
                                    


Seven o'clock in the evening Philippine time ang lapag namin sa Manila. Kaya naman alas tres pa lang ng hapon nasa airport na kami.

"Are you ready?" tanong ko kay Rhydian habang inaayos ang khaki trench coat niya.

Seryoso lang kasi siyang nakapamulsa at nakatingin sa akin. Hindi naman siya nakasimangot pero may lungkot na sumisilip sa kanyang magagandang mata.

Natawa na lang ako at ginulo-gulo ang buhok niya. Para talaga siyang prinsipe.

Tahimik lang kami buong biyahe. Nakatulog na ang dalawa sa tabi ko. Nakahiga si Rhydian sa maliit na unan na nasa kandungan ni Ransford at si Ransford naman ay tuwid matulog. Hindi ko alam kung tulog ba 'yan o nagtutulug-tulugan lang.

Nakatingin naman ako sa bintana at muling naglayag ang isip ko sa mga bagay-bagay. Excited akong umuwi pero nakikipagkarera ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa sasabihin ng pamilya ko o... sa iba pang bagay.

Dahil na rin siguro sa matinding kapaguran sa pag-iisip, hindi ko namalayang naigupo na rin ako ng antok. Halos apat na oras ang biyahe at nang makarating kami sa NAIA, pupungas-pungas pa kaming tatlo. Lalo na si Rhydian na half-asleep pa ang hitsura.

Si Sanjay ang sumundo sa amin. Seryoso itong naglakad para salubungin kami at agad dumapo ang mga mata niya sa anak ko na humihikab pa at hawak ko ang isang kamay.

Nagtaka ako na hindi man lang ito nagulat o nagtanong. Imbes ay tinitigan niya ito nang mabuti bago bumaling ang seryosong mga mata sa akin.

"Hey," si Ransford ang unang bumati.

Nag fist bump ang dalawa.

"What's up?" pagbati ni Sanjay sa kapatid.

Nagkibit balikat si Ransford.

"Long flight."

Bumaling si Sanjay sa akin at bahagyang ngumisi bago ibinaba ang tingin kay Rhydian na kuryoso sa presensya niya.

"Uh, honey this is your Tito Sanjay, Tita Axelle's husband to-be."

"Yeah. Hi!" Kumiling lang ang ulo ng anak ko.

Ngumisi naman si Sanjay at ginulo-gulo ang buhok niya. "What's your name?"

"Rhydian," simpleng sagot niya.

Tumingin si Sanjay sa akin upang magtanong pero hindi naman siya gulat. Parang alam na niyang anak ko siya.

"Let's go? Everyone's waiting." Tinignan niya kami ni Ransford bago nagpatiuna.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya bago unti-unting bumaling kay Ransford.

"Sinabi mo?" tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Ba't palagi 'tong gan'to? Playing safe lagi. May tinatago ba siya sa akin?

Sa mansyon ni Sanjay sa Commonwealth kami dumiretso dahil naroon ang dalawang pamilya. Pero ang kasal sa Aurora gaganapin. Beach wedding daw ayon kay Inang.

Papasok na kami ng village nila nang magsimula na akong kabahan. Hindi ko alam ang una kong sasabihin. Wala kasing nakakaalam pero ipinakilala ko na kay Rhydian ang pamilya ko through pictures. Ipinaliwanag ko kung bakit hindi pa kami makauwi no'n at kung bakit ko itinago. Sa murang edad, naintindihan naman niya. At laking pasasalamat ko ro'n.

Huminto ang sasakyan ni Sanjay sa malaking gate at agad 'yong binuksan nang bumusina siya ng dalawang beses. Malaki at moderno ang disenyo ng mansiyon nila. At kahit sa labas, kitang-kita ang sobrang liwanag na loob dahil sa glass walls.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng double doors ay nagkatinginan kami ni Ransford sa rear view mirror. Tumango siya nang marahan sa akin na parang pinapalakas ang loob ko. Tumingin naman ako sa anak ko na tamad na nakapalumbaba sa bintana, tinitignan ang labas. Huminga ako nang malalim bago hinawakan sa balikat ang anak.

Heartless BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon