Mabilis na lumipas ang mga araw at sa mga nagdaang araw, lagi akong nililibre ni RK ng lunch at pinadadalhan pa niya ako ng meryenda. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang isiping 'yon o ikaiirita dahil sa palagi niyang pagpunta rito, unti-unti siyang pinagkakalaguluhan. Lalo na ng mga babaeng estudyante na nanonood ng practice namin pero nasa kanya naman mga mata.Masiyado siyang chic magnet. At ang nakakainis, effortless lang sa kanya 'yon. Kahit kasi nakatayo lang 'yan o nakaupo, naglalakad o nagse-cellphone, talagang agaw-pansin ang loko.
Hindi ko naman sila masisisi dahil guwapo nga naman at matangkad. 'Yun nga lang, umuugong na naman ang pag ka-Marites ng mga estudyante rito dahil sa pagkakakita sa amin. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon dahil sanay na naman ako.
Sa huling tatlong araw ng practice, hindi na pumupunta si RK sa school tuwing lunch dahil pinagkakamutan na raw siya ng ulo ng coach nila dahil walang matinong practice. Lalo na't malapit na nga ang Intramurals. Though, sinusundo naman niya ako kapag ginagabi ako at hinahatid sa bungad lang ng compound namin. Doon lang talaga kami nakakapag-usap na.
"Kaya niyo 'yan okay? 'Wag kakabahan. Dance naturally. Kung magkamali, bawi agad. But please, hangga't maari, walang magkakamali," bilin ni Keyla sa amin bago sumalang sa stage sa araw ng kompetisyon.
Tumango kami ni Jase sa sinabi niya at nagkatinginan.
"Okay! Good luck guys! Show 'em what you've got! Bring home the title!" Ibinunggo ni Keyla ang dalawang kamao kay Jase bago sa akin.
Napahawak naman ako sa bibig ko at huminga nang malalim. Kabado ako dahil first time kong sumali sa contest at representative pa ng school. Pressured din ako at ramdam ko ang panlalamig ng mga palad ko.
"Relax...kaya natin 'to." Magaang hinimas ni Jase ang likod ko.
Tumingin ako sa kanya at tumango. Kumapara sa akin, mas kalmado ang hitsura niya. Sabagay, hindi naman ito ang una niyang contest na sinalihan. Konteresero raw itong si Jase kaya pinili ni Keyla. Competitive.
Hindi na ako mapakali nang matapos ang sinusundan naming school. Sa isang malaking performing arts theatre sa Quezon city ginanap ang kompetisyon at limitado lang ang audience at supporters na dapat bitbit ng bawat eskwelahan. Marami kasing eskwelahan ang maglalaban-laban dahil national ito.
Nang tinawag na ang pangalan ng school namin, halos ibuga ko na lahat ng hangin sa katawan ko sa kaba. Panay din ang pagpapawis nang malamig ang mga kamay ko kaya panay ang pagkiskis ko rito.
"GO TNHS!"
Napalingon ako sa mga nagchi-cheer na ka-eskwela sa crowd. Halos magusot na ang banner nila dahil sa hype. Napangiti ako nang makita sina Ainhoa at Evie na todo sa pag-cheer sa akin at pinilit talagang sumama para lang suportahan ako.
Nang namatay na ang ilaw ay pumorma na kami ni Jase. Humupa na rin ang crowd at nagsimula nang tumugtog ang musika namin. Si Jase ang unang tinapatan ng spotlight at gaya ng pinagsanayan, siya ang unang sumayaw.
Hanga talaga ako sa pagsasayaw niya. Napaka-passionate niya at emotional. Flexible rin ang katawan niya sa kabila ng tangkad at saktong laki ng katawan.
No'ng ako na ang tinapatan ng spotlight, pumikit ako at dinama ang kanta. Ibinigay ko lahat ng makakaya ko para makapag-concentrate. Inisip ko na lang na kaming dalawa lang ni Jase ang tao rito ngayon para maibsan ang kaba ko.
Naging maganda naman sa palagay ko ang kinalabasan ng performance namin dahil napatayo namin ang ilang hurado. Kaya gano'n na lang ang pagwawala ng supporters namin.
Taas-baba pa ang paghinga namin ni Jase nang maghawak-kamay kami at mag-bow sa stage.
Nang makabalik kami ng backstage ay nagyakap kami nang mahigpit ni Jase sa sobrang saya.
![](https://img.wattpad.com/cover/264615697-288-k716815.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartless Boy
RomanceWhen the famous casanova Ransom Khaleed Laurel transfers to a small University in the province, things have never been the same for Brea Kasandra Almazan. No one gets her attention because she believes that men are all the same: rascal, player, skir...